CHAPTER 21

13.6K 169 5
                                    

Hindi mawala sa isip ko ang narinig kong usapan ni Luca at ang ama niya. Pati na rin ang usapan nila ng kambal niya.

Gosh. Ba't ko ba 'yon iniisip. I'm out of his life. Wala na akong problema roon pero dawit ako. Kailangan ko na talagang lumayo. Hindi puwedeng dito na lang ako at patuloy na nakikisawsaw.

Sobrang klaro pa sa isip ko ang narinig ko noong pumunta kami sa mansyon nila. That's two days ago.

Naglalakad ako sa hallway papuntang kwarto ni Luca. Nauhaw ako kanina kaya bumaba ako para uminom.

Napatigil ako at napatitig sa hagdan papuntang third floor. Hindi ko pa 'yon nakikita kaya kuryoso talaga ako kung anong itsura. Out of curiosity, hindi ko namalayang naglakad ako pataas.

Habang tumitingin-tingin ako sa hallway ng third floor ay may nakikita akong mga larawan na nakasabit sa pader. Kaunti lang ang nakita ko sa baba pero mas marami rito.

Nadaanan ko ang malaking family portrait nila. Apat lang silang nandoon. Si Luca, ang kambal niya at mga magulang nila. Karamihan sa nakita kong larawan nila ay sila-sila lang din. Siguradong wala na silang ibang kapatid.

Masaya sila sa larawan. Malawak ang ngiti ni Luca roon at gano'n din ang pamilya niya. Napangiti ako roon. Sana ganyan din kami.

Iniwas ko ang tingin doon at tinignan pa ang ibang larawan. Habang tumitingin-tingin ako ay napansin ko ang isang pintuan na bahagyang nakaawang.

Lumapit ako roon pero bago ko pa buksan 'yon ay may narinig akong mga boses sa loob. Sumilip ako roon at nakumpirmang si Luca ang may-ari ng isa sa boses doon.

"She's not my girlfriend." Tumaas ang kilay ko sa seryosong boses ni Luca. Seryoso yata ang usapan nila.

Gumilid ako sa at sumandal sa gilid ng pintuan. Hindi ko ugaling makinig sa usapan ng iba but this really caught my interest.

"Then why did you bring her here?" tanong ng lalaking kausap niya. Mas maawtoridad ang boses nito at seryoso. Sa pagkakahula ko ay siya ang kanilang ama.

I felt danger in his voice. Kung nakakatakot na kung magsalita si Luca kapag seryoso ay mas nakakatakot ang kanyang ama. Kahit hindi ko pa siya nakikita ay alam kong nakakatakot ito.

Hindi ko makita ang itsura niya dahil kunti lang ang awang ng pintuan sapat na para marinig ko ang usapan nila sa loob. Side view lang ni Luca ang nakikita ko kung sisilip ako.

Hindi nagsalita si Luca sa tanong ng kanyang ama.

"Your fling?" hindi ko narinig ang boses ni Luca. "Get rid of her before you get married."

Alam kong ako ang pinag-uusapan nila kaya nakuha talaga nito ang interest ko.

"I won't marry her," malamig at seryosong sagot ni Luca.

"Even if she's special to you?" nakuryoso ako sa sinabi ng kanyang ama.

"She's never been special to me," may bahid ng pagkamuhi sa boses ni Luca. Hindi ko kilala ang pinag-uusapan nila pero alam kong siya ang mapapangasawa ni Luca.

Nasira ang mukha ko sa naririnig. Alam ko namang hindi pa sila kasal pero don't you think he's being unfaithful? May fiancé na siya kahit sabihin pa niyang ayaw niya itong pakasalan. And he's father said she's someone special to Luca.

"Really? Even if I tell you you once loved Rylee Falcon?"

Nabalik ako sa sarili ko nang magsalita si Luca.

"What are you thinking?" Inirapan ko siya.

"You," ngising sagot ko.

Nasa harap ko siya habang inaayos ang pagkain namin. Gosh. Hindi ako makaisip ng paraan kung paano siya tatakasan. Lagi siyang nakabantay at halos hindi na ako iwanan ng tingin.

SALVATORE #1: Loving the Prostitute Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon