Nagkibit balikat lang si Luca at hindi na siya pinilit pa ng mga pinsan niya. Iniba na rin nila ang usapan.
I keep roaming my eyes around. Where's Luca's mom?
Sa kakatingin ko sa kung saan-saan ay iba ang nahagip ng mga mata ko. An old familiar man. Mr. Mariano.
Nag-iwas agad ako ng tingin nang napatingin siya sa banda ko. I pretended I didn't see him. Nang nag-iwas naman ako ng tingin ay ang kay Luca ang nakasalubong ko.
He's eyeing me like a creep. Kapag wala talaga siyang itsura ay iisipin kong manyak siya sa klase ng pagtitig niya sa'kin.
"What?" He looked where that old man was and suddenly glared at him.
Iniwas niya rin ang tingin doon at hindi na ako binalingan pa ng tingin. Bumalik ang atensyon niya sa kausap niya. Wala akong magawa kundi magmasid-masid. I don't have someone to talk to.
Medyo maraming mga taong dumalo. I don't know what's the theme of the party but one thing I know for sure is about business.
Nahagip ng isang babae ang tingin ko. She's wearing a worth million dress and she's walking like a queen. Luca's mom. Palapit siya sa table namin habang nakatitig sa'kin ng makahulugan. I know right.
"Luca, you came!" bungad niya nang makalapit na ng tuluyan sa lamesa namin.
"Hi, tita," bati ni Lyte.
Ngumiti ang ina ni Luca at ibinalik ang bati.
"Ang ganda mo ngayon, Tita El," bati naman ni Hez.
Tumango lang si Ezekiel. Hinagkan naman ng kambal ang ina.
"Mom, I came too," singit ni Lucan.
I don't know but I felt something with him. Is it really the real him? Parang hindi naman talaga niya ugali ang palakuwento at palaasar. May resemblance sila ng ugali ni Luca pero may kakaiba talaga sa kanya. Hindi ko lang alam because I don't know him.
"Oh, 'yan na nga ba ang sinasabi ko, e."
Ang dalawang maiingay ang nagtawanan. Seryoso lang ang tatlo rito tapos pangiti-ngiti lang ang ina ng kambal.
"Where's dad, mom?" natanong ni Luca.
Her mom rolled her eyes. "You know your dad."
Hindi na sila nagtanong pa at nagsalita ukol doon. I'm curious. Bakit nga ba? Businessman din naman ang asawa niya, a. Sa mga nababasa ko ay hindi madalas magkasama sa mga party ang mag-asawa.
"Alright then, napadaan lang ako." Tinignan ulit ako ng ina ni Luca sa huling pagkakataon bago nagpaalam na aasikasuhin daw niya ang ibang dumalo.
"What's with the look?" I looked beside me when Luca asked.
"What look?" maang kong tanong. Nagtataka na siguro siya sa klase ng tingin sa'kin ng ina niya.
"She's planning something." Nakuha nun ang atensyon ko.
Hindi lang ang akin kundi ang kay Luca. Bigla akong kinabahan sa sinabi ng kanyang kapatid. Nakatitig lang ito sa hawak niyang baso ng alak. Hindi ko alam kung ako ang tinutukoy niya o kanyang ina. I know there's really something with him. Something dangerous.
"What do you mean?" seryosong tanong ni Luca.
His twin just shrugged and didn't talk again. He knows something. Hindi niya lang sinabi.
Kung meron man akong hindi dapat lapitan sa kanilang mga Salvatore ay si Lucan iyon. He's...an evil person. I don't know him but I felt it.
Tinitigan muna ako ni Lucan ng makahulugan at ngumisi. Hindi iyon nakita ni Luca dahil eksaktong humarap siya sa'kin.

BINABASA MO ANG
SALVATORE #1: Loving the Prostitute
Romance"We love each other but we can't be together. I'm a slut and he doesn't deserve me."- Denise Mercado Salvatore Series #1 Mature content ahead. You have been warned.