Asar akong umupo mula sa pagkakahiga sa mahabang couch sa opisina ni Luca. Dinala niya ako sa kompanyang pinapatakbo niya.
Iniwan niya ako rito dahil may meeting siyang dadaluhan. Akala ko ito na ang tsansa kong makatas pero pinabantayan niya ang pintuan. Kayang kaya ko namang lusutan 'yon dahil yung sekretarya lang niya ang nagbabantay doon pero may guard na nakabantay sa labas ng pintuan at sa entrance at exit ng kompanya.
Para tuloy akong tangang naghihintay sa kanya. Nakakainis na siya.
Natigil lang ang pagyayamot ko nang marahas na bumukas ang pintuan ng opisina at galit na pumasok si Luca. Napataas ang kilay ko doon. Anong nangyari rito? Ba't galit 'to?
Matatalim ang matang tumingin siya sa'kin pero medyo kumalma nang dumapo ang tingin sa'kin.
"Let's go."
Nakatiim ang bagang niya at nakakuyom ang mga kamao niya.
Inirolyo ko ang mga mata ko at sumunod na sa kanya. Halatang galit siya at wala akong balak galitin pa siya. It's not that I'm scared of him. I'm just scared for the consequences.
Naglakad ako palapit sa kanya na nakataas pa rin ang kilay. Hindi ako pakialamerang tao pero sa nakikita ko ay parang may nangyaring hindi maganda sa meeting na dinaluhan niya.
Hindi na ako nagtanong pa kung anong nangyari dahil baka magalit siya.
Tumango lang ako sa kanya at sumunod sa kanyang maglakad. Nilagpasan niya lang ang sekretarya niyang may sasabihin sana pero hindi na niya tinuloy dahil nilagpasan lang siya ni Luca.
Walang imik kaming dalawa nang pumasok kami sa elevator. Nasa likod niya lang ako na nakasunod sa kaniya.
Hindi pa rin makalma-kalma ang galit niya pero mas ayos ang galit niya ngayon kesa sa kanina pagkapasok niya ng opisina niya. Hindi na lang ako nagsalita. Hindi ko na muna siya kukulitin ngayon dahil baka sa'kin mabaling ang galit niya. Pahupain ko muna. Siguro mamaya na lang kapag kalmado na siya.
Tahimik kami hanggang sa makapasok kami sa sasakyan niya. Hindi niya muna ito pinaandar at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili.
"You're quiet," basag niya sa katahimikang sumakop sa amin.
Tinali ko ang buhok ko bago tumingin sa kanya. Nakatitig siya sa'kin ng seryoso.
"Anong gusto mong gawin ko? Pasabugin ka lalo?" Pinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib ko at tinaasan siya ng tingin.
Nakita kong may tumakas na munting ngiti sa mga labi niya pero bigla itong nawala. Tinago niya kaagad.
"You love doing that to me."
Ngumisi ako sa tono ng boses niya. Hindi 'yon seryoso, hindi rin blangko at malamig. It's the kind of voice that is comforting.
"Hindi masyado." I rolled my eyes at him.
Malalim siyang huminga at sinimulan nang paandarin ang sasakyan.
"Let's go somewhere," anunsyo niya.
"Bahala ka." Pinagkibit balikat ko lang 'yon.
Ayoko ring nasa condo niya ako palagi. Gusto ko ring lumabas at mamasyal.
Tinanggal ko ang seatbelt ko at nahirapang pumunta sa backseat.
"What are you doing?" takang tanong niya pero hindi ko siya pinansin. "I'm not your driver."
"Driver ka naman talaga," saka ko lang siya sinagot nang makaupo na ako ng maayos sa backseat.
"What the hell, Denise." Inirolyo ko lang ang mga mata ko at humiga sa backseat.
"Gusto kong mahiga." Pinatong ko ang mga paa ko sa bintana ng backseat. Nakabukas 'yon kaya medyo nakalabas ang mga paa ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/253951483-288-k692519.jpg)
BINABASA MO ANG
SALVATORE #1: Loving the Prostitute
Romance"We love each other but we can't be together. I'm a slut and he doesn't deserve me."- Denise Mercado Salvatore Series #1 Mature content ahead. You have been warned.