CHAPTER 34

11.1K 123 3
                                    

Pumasok kami sa room namin at umalis na rin si Lucan.

Ginala ko ang tingin sa loob at namangha sa nakikita. Ang ganda lang kasi. Pati yung mga gamit. Though konti lang ang mga gamit. May sofas at flat screen TV. Hindi nga lang kasing laki ng TV ni Luca sa condo niya.

I looked for the bedroom. Nakasunod sa'kin si Luca habang naglalakad papuntang kwarto. I opened the door and got in.

"We'll stay here for awhile. Lalabas tayo mamaya for our dinner," sabi ni Luca habang inaayos ang maleta namin. Ako naman ay humiga sa kama.

I'm tired. Kahit ang ginawa ko lang naman buong biyahe ay nakaupo. Paano pa kaya si Luca.

"Aren't you tired?" Umangat ang tingin ni Luca sa'kin.

He raised his eyebrows. "Why? Want to do something tiring?"

Namilog ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Hindi. Hindi iyon ang ibig kong sabihin.

"The heck no. Ang dumi ng utak mo," bulalas ko nang makabawi.

"Hindi lang naman sex ang nakakakapagod gawin, a? What were you thinking?" Nakita ko ang takas na ngisi sa mga labi niya pero tinago rin niya kaagad.

"You're talking as if you're pertaining to sex," giit ko.

Alam ko namang tama siya pero hindi ko kakayanin ang kahihiyan dahil sa iniisip ko. Bakit ba kasi ang dumi ng utak ko minsan? Napapahamak ako, e.

"No. You're just thinking something else."

"Whatever." I rolled my eyes before rolling on the bed. I'm facing the bed right now and my breasts were squeezed against it.

Luca chuckled that annoyed me. Fine. Ako na ang marumi ang utak.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Pagkagising ko ay wala na si Luca sa kwarto. I stood up and stretched for awhile.

Lumabas ako at narinig ang mumunting mga boses na nag-uusap. Mas lumapit ako ng kaunti para marinig kung anong pinag-uusapan nila.

"Nandito si Rylee, Luca," rinig kong saad ng pamilyar na boses. Nang tingnan ko iyon ay nakitang si Hezekiah iyon. He's not in his usual self. Kung dati ay pala asar siya ay ngayon naman ang seryosong-seryoso siya.

Siya ang kausap ni Luca. Dalawa lang silang nag-uusap at hindi ko makita ang iba niyang mga pinsan. Mukhang si Hezekiah lang ang nandito.

I saw Luca balled his fists. He looks mad. Nanatili ako sa pwesto ko at gustong marinig ang usapan nila. It caught my attention. I heard that Rylee was Luca's ex girlfriend. I heard it when he was talking with his father.

"Ba't siya nandito? She's not part of the family reunion," bakas ang pagkamuhi sa tinig ni Luca. Halatang galit siya sa babae.

"Hindi ko alam. Pinayagan yata ni Tita Elme na pumunta rito," sagot ni Hezekiah sa seryosong paraan.

Hindi ako sanay sa pagiging seryoso niya. I admit, para siyang Luca kung magseryoso. Iba kasi ang anyo ni Lucan kapag seryoso. Mas nakakatakot ang kanya.

"Ano nang plano mo?" tanong muli ni Hezekiah.

"Let them be. Hindi ako magpapakasal sa kanya kahit anong mangyari," determinadong ani Luca.

"You know you can't do that."

Nabahiran ng galit ang mukha ni Luca sa sinabi ng pinsan. Mukhang alam niyang tama si Hezekiah. Na kahit anong gawin niya ay hindi niya magagawa for some reasons.

"I know. But I won't marry her," matigas na giit ni Luca.

"Why not? You're with her for years."

Ilang minutong hindi sumagot si Luca. I watched his expression and it softened. Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Luca at kunwaring wala akong narinig sa usapan nila.

SALVATORE #1: Loving the Prostitute Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon