Iniisip ko, baka dito ako tuluyang mamatay. I'm trusting again. I trust because I really want to be happy. And I can't have that alone. Kailangan kong may kasamang makamit 'yon. And Aina, Manang Melinda and Ezekiel are here.
I admit, I was thankful to Ezekiel. The fact that he really helped me. I am healing again. But not like the last time. I healed alone the last time I did. I don't have someone's back then. And now I have these friends.
But I'm scared taking risk again. I took risk then. And it was with Luca. Look what happened. It ruined me. Dinurog ako. Ramdam ko pa rin ang poot sa dibdib ko. Not the fact that Elme knows. Since then, it's really my fault. Galit ako sa sarili ko.
Ngayon, natatakot na naman ako. Paanong hindi? Ilang beses nang nangyari sa akin. Wala na akong tiwala sa hinaharap and the consequences.
Now I'm sure Elme won't reveal any of me. I know she pitied me. I saw it in her eyes. She pitied me as much as I pitied myself. Kung siguro alam din ng iba, maaawa rin sila sa akin. Hindi ko nakita kay Ezekiel as he was so good hiding his emotions and expressions.
I can hide mine too but not as good as him. Marami na akong naramdaman at hindi ko kayang itago pa when I am triggered. Lahat na yata ng emosyon naramdaman ko.
I could only think of everything. Hindi ko na mababalikan pa ang lahat. Wala na akong magagawa. Nangyari na, e.
"Saglit, ate. Naiihi ako." Nagpaalam si Aina na iihi habang nasa tubig kami. Tumango na lang ako sa kanya.
Pwede naman siyang umihi sa tubig. Sa bagay, baka makalunok siya ng tubig. Parang ininom niya rin ang sariling ihi.
"Sige." She stormed off.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang may naiwan sa akin. Pinagmasdan ko ang buong isla. This is officially mine. Ngumiti ako ng malawak. I love it here. Dito ako unang nagsalita mula noong nanirahan ako rito sa Pilipinas. This place is very memorable for me.
She really knows me. Ito rin siguro ang pinili niya dahil gustong-gusto niya rito. She was so glad when I finally spoke to her. Since then, we kept coming back here.
Nagtaka na ako nang ang tagal ni Aina. Umihi ba talaga iyon? I doubt. I stood up to find it out. Naglakad ako patungo sa mansyon.
Nang makapasok ay wala akong nakitang isa sa kanila. Si Manang ay siguradong nasa library. She loves reading there. Ang akala pa nga niya magagalit ako noong nahuli ko siyang patagong nagbabasa roon. Hindi naman ako mahilig sa libro kaya hinayaan ko na siya. Sa ganitong mga oras nandoon siya kaya hindi na ako magtataka.
I walk to the kitchen when I heard voices directing to the hallway. Iyon 'yung diretso sa gym.
I'm sure it's Aina and Ezekiel. Parang hindi sila nagkakaintindihan kung mag-usap. Are they arguing? For what? Wala akong balak makialam pero lumapit pa rin ako nang marinig ang pinag-aawayan nila.
"Ano bang problema mo?" nagpipigil at mahinang tanong ni Aina. Tumigil ako sa gilid na hindi abot ng tingin nila.
"You. You are my problem. You're pissing me off," Ezekiel said with gritted teeth. Halata iyon nang magsalita siya.
Pagak na natawa si Aina roon. "Anong ginawa ko sa'yo?"
Sumilip ako at si Ezekiel lang ang naabot ng tingin ko. Nakasabunot siya sa buhok at inis na inis talaga ang itsura.
Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Ezekiel. I turned my back and walked away. Wala akong balak marinig ang usapan nila. Kaya nga doon nag-usap para walang makarinig. Medyo hindi kapansin-pansin din kasi sa bandang iyon.
BINABASA MO ANG
SALVATORE #1: Loving the Prostitute
Romance"We love each other but we can't be together. I'm a slut and he doesn't deserve me."- Denise Mercado Salvatore Series #1 Mature content ahead. You have been warned.