Demoness 23: Night Daisy

34 4 0
                                    

Demoness 23: Night Daisy

"Ang ganda-ganda mo talaga, hija. Sigurado kung taga-rito ka at naging anak kita, ikaw ang magiging Reina Elena ng bawat Santacruzan at Reyna ng Gabi sa bawat Sayawan. Bulaklak kang magandang mamumukad." Sinusuklayan ako ng Nanay ni Chita at nangangarap na sana naging anak niya ako. Ano nga kayang feeling nun? Napapa-imagine ako sa sinasabi niya.

"Matagal ko nang gustong magkaroon ng anak na babae. Kung hindi lang ako nagka-problema sa matres ay susundan pa namin ng Tatay niya si Miko," buntong-hininga ni Nanay; nanghihinayang.

Babae naman 'yung anak n'yo, tumingin ako kay Chita na pasimple akong inirapan.

Tinigil na ni Nanay ang pagsuklay sa akin. "Miko, naku sakto Sabado ngayon. Hala pumunta kayo sa Sayawan mamaya. Para maaliw naman 'tong si Dem at makapag-night date naman kayo."

Lalong nag-slouch si Miko sa pag-upo sa sofa. "Nay naman. Ayoko, matagal na akong di pumupunta ro'n."

Tumayo si Nanay at hinampas siya ng suklay. "Umayos ka nang pag-upo at baka makuba ka pagtanda mo! At anong ayaw mo? Hindi ka puwedeng tumanggi. Gusto kong dalhin mo roon si Dem at huwag mong kaligtaan na sabihing nobya mo siya. Paniguradong kaiinggitan ako nila Myrna sa gandang dalaga ng magiging manugang ko," proud na proud si Nanay.

Well, nakaka-proud talaga kagandahan ko.

"Pumunta ka, Dem, ha. Mag-enjoy ka makipagsayaw at makipagkilala. Hayaan mo itong si Miko kung ayaw sumayaw. Maigi ngang pagselosin mo siya nang gumalaw-galaw naman. Gusto ko na nang apo."

Gusto kong tampalin ang bibig ni Nanay. Napakaraming alam! Kasuka ng sinasabi.

"Nanay, alam mo naman ang nangyayari kapag pumupunta ako ro'n. Maha-harass lang ako. Lalo na hindi ka naman po sasama para kunin ako sa mga babae."

"Anong tingin mo sa akin, Chita? Hahayaan lang kita at ipamigay ro'n? Syempre hindi ako papayag maagawan. Pero..." tinaas ko ang kilay ko at tumingin sa gilid. "... Kung ayaw mo talaga, edi ako na lang mag-isa ang pupunta. Basta kapag hindi ako nakauwi, huwag mo akong hahanapin..."

Pagbalik ko ng tingin kay Chita ay kumikibot-kibot na ang labi niya at ang sama ng tingin sa akin. Ha! Iistorbohin kita sa gabing 'to!

"Hindi tayo pupunta, Dem. Maaga tayo bukas magsisimba tayo at ipapasyal kita sa flower farm. Magdi-date tayo buong araw kaya kailangan natin maagang makapagpahinga."

Itong unggoy na 'to gumawa pa nga ng kasinungalingan. Sandali nga lang kaming nagkakatabi ay pasimple na kaming nag aaway kahit andyan 'yung nanay niya, i-date pa kaya buong araw! Gusto na ata nitong magkapatayan kami bukas, e.

Gusto ko makita ano 'yung Sayawan na sinasabi ni Nanay. Epal na chakang 'to tatakpan ko ng unan ang mukha  niya mamaya sa pagtulog bwiset siya.

Lumapit ako kay Nanay at hinawakan ang braso niya. "Nay, hindi naman po ata gusto ni Miko malaman pa ng marami na may girlfriend siyang kasingganda ko. Nakakahiya po atang makasama ako." Pinigil ko agad ang pagtawa ko nang eksaherada nang napapadyak si Chita.

"Opo, Nay, pupunta na po!"

…………

Wow.

Di ako maka-get over sa hitsura ng get up ko. Bati ko na ang nanay ni Chita napakaganda pumili ng damit! "Putang inang mukha 'yan ang ganda ko!"

Ang ganda ng biniling dress ng Nanay ni Chita para sa akin. Long sleeve knee length casual dress na may mababang neckline at criss cross na back lace. Sexy pero hindi kabastos-bastos. Kulay itim na glittery ang texture at may maliliit na daisy designs. Lakas makamayaman ng dating na para bang rarampa ako sa Paris.

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon