Demoness 10: Patience Of The Day

1.2K 63 9
                                    

Continue reading? Don't forget to tap vote every chapter! hihi.

Demoness 10: Patience Of The Day

Dem's POV

Pinilit kong kinalimutan ang nakaraan ko. Totoong maraming alaala ang hindi ko na alam. Iyong first boyfriend ko, ang alam ko ay siya ang pinakagwapo, iyon lang ang tinira kong paalala tungkol sa kanya. Kaninang nakita ko siya ulit matapos ang isang dekada, saka lang nagbalik sa akin ang kalokohan namin nung elementary. Grade 6 at nagka-boyfriend na ako!

Nakikita ko sarili sa mga panahong iyon na kilig-bunbunan. Iyong tipong umaakyat ang dugo ko hanggang ulo. Kinikilig ako at the same time naha-highblood kay Pedro.

Kaklase ko siya. Noon pa man ay inaaway ko na lahat. Siya lang ang hindi ko naaway dahil nang-aaway rin siya at mas malala pa sa akin.

"Hirap na 'yung nanay at tatay mo kakapakain sa 'yo, Tabatsoy. Hala lagot, malapit-lapit kay nang ipakatay sa palengke, baboy!"

"Basa-basa ka pa dyan bobo ka pa rin naman."

"Pinaglihi ka sa kapeng barako, 'no?"

Iyan ang ilan sa mga pang-aasar niya. Akala mo kung sinong perpekto. Naiinis ako sa kanya kasi nahigitan niya ang kasamaan ng ugali ko. Hindi niya ako inaasar kaya ako na ang nauna. Dapat sa akin siya matakot.

"Hoy, pandak na mapayat!" sigaw ko.

Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako. Pati ang kasama pala niyang lalaking mataba at pandak ay lumingon din.

"Sinong pandak at mapayat?"

Nagulat pa ako. "Hindi mo alam na pandak at sobrang payat ka?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Ikaw nga mukhang multo na buhaghag ang buhok!"

"Tse! Maganda kaya ako!"

Nagsisigawan kami sa gitna ng daan palabas ng paaralan.

"Kapatid mo ba 'yang gasul na iyan?" tukoy ko sa tabi niya. "Kaya ka pala payat kasi kinain niya lahat." Tumawa ako.

"Gago ka!" Akmang susugurin niya ako pero hinarang siya nung batang gasul.

"Peter!" Natigil siya sa pagtawag ng isang babae sa harap ng kotse. Nanay yata nila.

"Ano pang ginagawa n'yo? Halina kayo."

Tumalima naman si Payat. Iyong gasul lumapit pa sa akin at may kinuha sa kanyang bag.

"Hindi ko siya kapatid at hindi ko kinakain lahat." Inabot niya ang malaking mamon sa akin. "Sa 'yo na lang."

Lumundag-lundag parang bola ang batang gasul palayo sa akin.

Iyon ang unang engkwentro ko kay Pedro. Doon na nagsimula ang regular naming pagpapansinan sa asaran na paraan.

Nagkasundo lamang kami sa pagkawawa sa batang gasul. Niligawan ako ng matabang pandak na iyon at ayaw niya akong tigilan. Bilang solusyon, kinontrata ko si Pedro maging boyfriend ko. Pumayag naman siya dahil gusto niyang paiyakin ang batang gasul.

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon