Demoness 30: Whirlwind Relationshit

901 44 8
                                    

Continue reading? Don't forget to tap vote every chapter! hihi.

Demoness 30: Whirlwind Relationshit

Miko's POV

Hindi ko masupil ang ngiti habang nakatitig sa kisame. Mula pa kanina habang nasa biyahe kami ni Dem pauwi ay sobrang saya ko. Sabi pa ni Dem ay kilig na kilig naman daw ako. Ang bading-bading ko raw. Kung kilig ang nararamdaman ko, takte, kinikilig nga ako.

Paanong hindi ako kikiligin? Nanligaw na ako noon kay Sarika pero ngayon lang ako sinagot— si Dem pa na babaeng hindi ko inakalang magugustuhan ko.

"Gentleman gentleman ka diyan. Tang ina mo. Patay na patay ka talaga sa akin 'no? Hay, kung gusto mo ng totohanan, oo na. Kawawa ka naman kasing tang ina ka."

Nung sinabi kong let me be your gentleman, seryoso ako roon. Low profile si Dem pero ang hirap niyang abutin—ang tayog. Talagang paghihirapan para maabot. Sinabi ko iyon dahil nang narinig ko ang ideal love niya, naisip ko na gusto kong ako magbibigay sa kanya niyon—na ako dapat, na ang maging para siya sa akin ang pinakatamang dapat mangyari.

Sa mga binitawang salita ni Dem, nakumpirma kong hindi ako nagpi-feeling na ako lang ang may nararamdaman.

Mukhang hindi seryoso pero si Dem ang nagsabi kaya hindi ako aasa ng ka-sweet-an. That moment, alam kong naabot ko na siya.

Bumangon ako. Hindi ko na kaya. Umakyat ako sa kwarto ni Dem. Hindi na ako nag-abalang magdahan-dahan dahil tulog-mantika siya. Alam ko. Ilang beses ko na siyang pinuntahan para pagmasdan habang natutulog.

Hindi ako manyak. Wala sa intensyon ko ang bastusin siya. Higit kahit kanino, sunod kay Nanay, siya ang nirerespeto ko.

Pero hindi ko ikakailang may mga pagkakataon na natu-turn on ako. Madalas pa nga. Hindi ko lang ini-spoil kasi nga nirerespeto ko si Dem.

Noon pa mang kasama namin sa bahay si Francis at Jolo, puro sando at short shorts ang get up niya. Nitong nagsi-sink in na sa akin na panay siyang nagpapapansin kay Francis at buong araw niyang kasama si Jolo nang ganoon ang suot, napapabuntong-hininga ako. Bakit ko hinayaan iyon?

Ngayong kami na lang dalawa, okay lang ganun ang suot. Ako lang naman ang nakakakita. Makakapagpigil naman ako...

Nailing ko ang ulo sa mga naiisip.

Pinagmasdan ko si Dem na nakanganga. Natawa ako. Ang cute niya lang. Nakataas pa ang isa niyang kamay kaya expose ang kilikili niya. Umiwas ako ng tingin at bumuga ng hangin. Mula nang makita ko ang makinis at maputing kilikili ni Dem ay saka ko na-realize na attracted ako sa ganun.

Mabuti ay bumalikwas siya at binaba ang kamay. Doon na ako mas lumapit, umupo sa lapag habang nakapatong ang braso sa kama. Kinuha ko ang kaliwang kamay niya. Marahan ko iyon dinampian ng halik.

"Gusto talaga kita kahit pa cursing machine ka."

———

"Kailan ka aalis?" Ayokong pag-usapan pero hindi puwede. Wala namang mababago dahil sigurado ang pag-alis niya.

"Bukas na," kaswal na sagot niya.

"Di nga?" gulat ko.

"Oo. Tang ina nito kailan ba ako nagbiro?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Binelatan niya ako at nagpatuloy sa pagkain ng chichirya saka bumaling sa tv. Mula sa pagkakasandal sa dingding ay tinabihan ko siya sa sofa.

"Biglaan naman. Kaka-on lang natin kagabi."

"Ano ngayon kung mag-on tayo? Anong connect?" irap niya.

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon