Demoness 26: Admitted and Confessed

833 51 5
                                    

Demoness 26: Admitted and Confessed

Dem's POV

"Maiintindihan ko naman kung sasabihin mo e. Alam kong sobrang ganda ko na bumabalentong ang tumbong mo. Pinapaalis mo ako kasi natatakot kang mag-cheat sa asawa mo. Ayoko rin namang maging kabit mo gago."

Hinagis ni Pedro ang huling bag ko. Nasa labas na kami ng gate. "'Wag ka na mag-monologue diyan. Umalis ka na. Mukha kang dagang costa. Magpaganda ka muna gamit ang perang binigay ko saka ka bumalik dito."

Matapos niya akong paghintayin ng matagal nang nagpasundo ako kanina ay palalayasin naman niya ako ngayon. Hindi ko siya masisisi. Lalo pa't may tinatago siya.

Inundayan ko siya ng proud middle finger. "Kung dagang costa ako, ikaw ay naman ay bulateng burdado. Bakit nga marami kang baril?"

Sa isa sa mga kwarto sa second floor ay tambakan ng iba't ibang kalibre ng baril. May mga malalaking kahon pa roon na may pangalan - na kung hindi ako nagkakamali ay mga gang groups. Paniguradong mga baril din ang laman niyon.

Pinagalitan pa niya ako sa pangingialam. Hindi siya na-inform na pakialamera na this girl. Na-curious kasi ako. Ichi-check ko pa sana ang ibang kwarto pero nahuli na ako.

Kaya ganito, pinapalayas ako. Ni hindi man lang sinabi kung bakit mayroon siyang mga ganoon.

"Payong ex lang, Dem. 'Wag kang atribida sa lahat ng bagay. 'Wag papakialaman ang gamit ng iba. Iyan ang nagpapahamak sa 'yo e."

Speaking of nagpapahamak...

"Pedro, ano ngang alam niyo ni Francis sa mga taong gusto akong makuha? May alam kayo kaya nga pinalayo niyo ako. Sino ba sila?"

"Hindi ko rin sila kilala. Basta ang sabi nila, kinuha mo raw ang black notebook nila at sinunog. Nawala ang mahahalaga nilang kliyente at transaksyon. Papatayin ka nila syempre."

"Ha? Ba't ako papatayin? Naalala ko, si Jun, iyong huli kong pangit na boyfriend, sa kanya ko nakuha 'yung itim na notebook."

Bumalik sa akin 'yung araw na niladlad ko ang palito ng posporo at sinindihan. Tang ina, natuwa ako sa paggapang ng apoy. Para lumaki pa ang apoy, hinagis ko roon 'yung itim na notebook na dala ni Jun nang araw na iyon. Hindi ko alam na may kinalaman pala iyon sa underground operation nila.

"Pedro... Taga-Underground ka rin ba? Involve ka ba doon sa tinatawag na Peter Pan? Matunog kasi ang pangalan niya sa kamisteryosohan. At siya ang number one dealer ng firearms sa NCR. Parang banda lang ang pangalan ng grupo niya pero kilabot iyon. Hindi sila nakikipag-alyansa sa iba. Ganun sila kalakas at kayabang. Alam ko lahat 'to kasi sumagi sa isip ko na kung papasok ako sa Underground, gusto ko sa kanila, sa Never After sumali."

Tipikal diablito, sagot agad. "Oo."

Hindi na ako nagulat. Sabi na e. Noong inabangan kami ni Jolo at dumating si Pedro ay naghinala na ako. Pero ang yaman-yaman na niya. Bakit kailangan pa niya sumabak sa illegal business?

Ang ikinagulat ko ay ang sumunod. May dinukot siya sa bulsa - isang green na bonnet na hawig ng kay Spiderman.

"Hindi na siya magiging misteryoso sa 'yo." Sinuot niya ang bonnet at nilahad ang kamay. "Codename: Peter Pan."

*****

Mula sa Makati ay sumakay ako ng bus pa-Fairview. Binigyan ako ni Pedro ng sampung libo. Maliit pa nga iyon. Diablito siya pero nawindang ako sa katotohanang isa siyang gang leader. Dati Pedro Palito siya. Ngayon ay Peter Pan na, original gangster. OG amputa. Astig! Inggit ako!

Undas na bukas kaya gets na gets ko ang bumper to bumper, unmoving traffic dito sa EDSA. Nasa Ayala pa lang ako. Chineck ko ang phone at... wala. Wala ni isang paramdam si Chita. Ano nangyari roon? Matapos kong magsumbong sa ginawa ni Francis- Putang inang Francis!

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon