Demoness 13: Dem Is The Girl Already

1.2K 59 14
                                    

Demoness 13: Dem Is The Girl Already

Dem's POV

Hindi natuloy ang sinabi ni Jolo na imi-meet niya ang magulang ko para hingin ang kamay ko. As if naman kasi papayag ako at as if naman may magulang ako.

Nakatingin ako sa labas ng bintana ng bus. Kakasikat pa lang ng araw kaya napaka-refreshing ng maberdeng gilid ng kalsada. Kasalukuyan naming tinatahak ang NLEX. Wala e, iniingatan ako kaya heto, dadalhin sa norte para raw sa kaligtasan ko. Wala pa rin akong ideya sa kung ano mang kapahamakan kaya kailangan kong lumayo. Up to the last minute ay walang binanggit si Pedro at Francis tungkol doon.

Kung babalikan ko, marami na akong naloko na taga Underground noon. Pero mga nasa mababababang libel lang - mga magnanakaw o anak ng Boss na pipitsugin pa sa industriya ng krimenalidad. Iniiwan ko sila, iniyakan nila ako pero hindi nila ako magagawan ng masama. Nagawa kong respetuhin nila ako, mahalin ako at pasunurin sila sa mga gusto ko. Ganun ako, thug life, Boss din nila ako.

Nakita ko pero hindi ko nakasalamuha ang mga nasa matataas na libel gaya ng mga Big Boss na nag-uutos kung sino ang pagtitripan. Kaya wala talaga akong ideya dahil dalawang taon na ang nakararaan noong napadpad ako sa Underground. Saka, ngayon pa ba may ganito gayong mga paminta, ladlad na bakla at first boyfriend ko na lang ang iniintindi ko?

Napasandal sa balikat ko ang natutulog na si Jolo. Hay, bigat! Tinulak ko nga paalis sa pagkakasandal.

"Umob-ob ka diyan sa bag mo, 'wag mo akong sandalan."

"Matulog ka muna, malayo pa ang biyahe. Dapat gising ka pagdating ng Pamplona."

"Tse! Hindi ako inaantok. Matulog ka na lang diyan."

Tumalima naman siya.

Sasama ako sa pag-uwi niya sa kanyang hometown at kasama rin namin si Chita. Ang dahilan ni Chita ay ilang fiesta na ang dumaan na hindi siya nakauwi. Hindi bumenta sa akin iyon. Uuwi siya dahil inutil na siya sa Maynila. Walang trabaho!

Makapagsalita ako akala mo naman meron akong trabaho, saad ng isang bahagi ng utak.

Buti na lang ang ganda ko, ganti ng kabilang bahagi na honest as always.

Hindi nga natuloy iyong sa akin pero si Jolo naman ang magpapakilala sa akin sa mga magulang niya. Seryoso siya roon sa "Dem, ikaw na lang." Putang ina lang.

Nagkaroon kami ng deal kanina bago umalis ng bahay. Tutulungan ko siyang maka-move on at kapalit niyon ay poprotektahan niya raw ako. Ayan nanaman ang poprotektahan thingy. Naaalala ko ang punyetang gago na hindi man lang nagpaalam sa akin. Hindi rin ako nagpaalam sa kanya, ano siya, sinuswerte?

Hangga't kaya kong protektahan ang sarili, hindi ko kailangan ang kahit na sino. Pero ngayon, mag go with the flow muna ako sa pag-aalala nila sa akin. Minsanan lang naman itong feel na feel kong babae ako.

Magkukunwari nanaman kami. Mag-e-effort nanaman ako sa kabobitohan niya. Mag-a-adjust nanaman ako sa mga simpleng ideya niya. Perks of being Jolo's fake girlfriend. Ang ganda ko kasi at ako ang nalalagay sa ganitong role.

Sobrang ganda ko na minsan ang sarap  nitong itago. Pero sobrang ganda ko talaga kaya hindi matatago e. #GandaProblems.

Tumingin ako sa kabilang side ng bus. Nandoon nakaupo si Chita, natutulog. Iyong katabi niyang babae ay tutunawin na siya sa titig.

"Hoy, 'Teh!" pag-agaw ko sa pansin ng babaeng may #kilaygoals. "'Wag kang mahumaling diyan, 'Teh. Beks 'yan, sirena, kulay pink at may boyfriend!"

"Ows?" nanghihinayang, natitigang ang kalandiang sabi niya.

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon