Demoness 25: Closure

845 55 5
                                    

Demoness 25: Closure

Dem's POV

Aayaw-ayaw pa si Pedro pero kay Francis rin naman niya ako dinala.

"Good morning, Sir." Muli, tinanguan lang ni Pedro ang bumati sa kanya.

Pagkapasok pa lang sa Cross Towers ay humihinto ang mga nakakasalubong namin para bumati kay Pedro. Ang Cross Towers ay pagmamay-ari ng pamilya nina Francis at Pedro. Ito pala iyong pinagtatrabahuhan ni Francis. Wala kasi akong pake dati. Nagpakahayahay lang ako kasama si Jolo sa bahay. Kung alam ko lang na bigatin pala ito, edi sana pinikot ko siya. Mrs. Cruz na sana ako at isa na sa may-ari ng kompanya. Charot.

Hindi ako into business pero kilala ko ang Cross Incorporation. They own a variety of business. Under sa CC ang DC Publishing, Benitez Architectural Firm - na sabi ni Pedro ay kanila; at ang Lameka Laine clothing line and modelling agency na kina Francis naman. Kaya raw marami dahil parehong galing sa business industry ang parents nila. Nag-merge.

Sila na ang may mayaman na magulang. Sila na ang mamanahan ng sure future.

Nag-elevator kami at sa 35th floor dumiretso. Aligaga ang mga empleyado doon. Tawag ng pangalan dito, takbo doon, galit na galit dito, natataranta roon.

"Naano sila, Pedro?"

"Last day ng October ngayon at last day na rin ng pasahan ng designs. Ang hindi makakapagpa-approve, fired."

"Grabe naman iyon. Agad-agad? Hindi naman tinatae ang designs ah. At mas lalong hindi sila nagtatrabaho para makipagkompetensya. Ba't ganito?"

Hinila ako ni Pedro diretso sa right wing. "Ganito ang sistema ni Francis. Bahala siya."

May naka-standby na sekretarya pero hindi pinansin ni Pedro. Nakita ko na lang ang sarili na nakatayo sa harap ng pinto.

Lameka Laine Apparels
Office of the CEO
Francis G. Cruz

"Maiwan na kita dito. Umuwi ka na lang." Umalis si Pedro.

Hilig niya akong dalhin kung saan at iiwan na lang. Kung wala siyang asawa, ia-assume ko na crush niya ako. Kapag matagal na kaming magkasama, naiilang na siya. Nahihiya na kasi lalo akong gumaganda kada oras. Magaganda lang ang nakaka-feel niyon. Hay, ganda problems is real.

Walang katok, binuksan ko agad ang pinto. "Punyetang gago ng taon! Putang ina mo kang former gasul ka! Gago talaga you..." bumagal ang pagsasalita ko. "Tang inang 'yan. CEO business ba iyan? Aba, mahilig ka pala sa puta."

Mabilis na inayos ng babae ang dress niya. Halos nakahubad na siya at sana tinuloy na lang niya. Puta siya. Tumingin pa siya sa akin saglit bago nagmamadaling lumabas.

Si Francis naman ay nakaawang pa ang bibig. Nagkalat pa ang lipstick ng puta doon. Nakasandal siya sa swivel chair habang inaayos ang necktie. Kumuha pa siya ng tissue para punasan ang labi niya.

Nang matapos siya ay nagkatitigan pa kami. Bakas pa rin sa kanya ang Kiko na may crush sa akin - na siyang secret crush ko rin. Ang gwapo talaga niya. Pero hindi siya ang gwapo na nagustuhan ko. Bakas, pero hindi na siya si Kiko.

"Bakit ka nandito?" tanong niya.

"Para patayin ka."

"Bakit nga?"

Lumakad ako palapit sa table niya. "Pahingi ng closure. Hindi na tayo mga bata pero 'yung isang paa ko, nandoon pa. Nakausad ako pero hindi buo. Epal ka kasi. Tang ina mo talaga. Paulit-ulit kitang mumurahin kasi gago ka. Certified."

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon