Demoness 27: Flipped

799 48 9
                                    

Sorry for the long wait.

Demoness 27: Flipped

Dem's POV

"Dem, pwede ba kitang maging girlfriend?"

Tinampal-tampal ko ang pisngi ni Chita para magising. Mukhang tulog pa e. Hinawakan ko pa ang noo niya dahil baka nilalagnat. "Hindi ka naman nilalagnat. Nananaginip ka pa yata." Pinisil ko ang magkabilang pisngi niya. "Gising na!"

"A-aray! Ano ba, gising ako."

"E bakit kung ano-ano ang sinasabi mo? Tang ina nito ang aga-aga, paepal."

Ako na ang nagbitbit sa dala niyang bag at nagmamadaling lumapit sa pinto kung nasaan nandun ang mga gamit ko. Puta, lalagpas na ako sa oras ng check out. Dagdag bayad 'yon!

"Halika n—"

"D-Dem, ano... 'yong tanong ko, sagutin mo." Nandoon pa rin siya nakatayo sa pwesto niya habang nakatingin sa akin na nasa harap na ng pinto. Namumula ang pisngi ng hayop. Ano siya, si Miko the red cheeks cheetah este chita?

"Tayo na 'di ba? Nung unang beses na sinamahan mo ako sa plaza at unang beses na nilambing kita, iyon ang unang araw natin. Anong pinaglalaban mo?"

"Sabi mo kasi kagabi kung pwede ba akong maging rebound boyfriend."

Tumawa ako. "Gago. Joke lang 'yun. Uto-uto ka."

Tumango-tango siya at alangang ngumiti. "Tayo na nga pala. Oo, 'yong kunwarian..." aniya na himig... disappointed?

Lumapit siya sa akin at kinuha ang bag niya. "Tara na."

"Bakit, chaka, gusto mo ba totohanan na?"

"Pwede ba?"

---

Bumalik kami sa bahay ni Chita. Na-miss ko 'to. Sa bar ko siya nakilala at muling nakita si Francis pero sa bahay na 'to kami nagkalapit. Saksi rin ang bahay na ito sa paghawak ni Jolo kay Chita na kay Francis naman nakahawak. Saksi rin ito ng pagbabalik ni Pedro sa buhay ko. Memories.

Prente akong nakaupo sa sofa habang si Chita ay sa second floor naman nagje-general cleaning. Ang alikabok pagdating namin at syempre si Chita lang mag-isa ang naglilinis. Katamad e.

Napalingon ako sa cellphone ni Chita. Nagri-ring nanaman. Actually kanina pa.

"Chita! Hindi mo ba talaga sasagutin 'yong tawag?! Kanina pa ako nauurat sa tumatawag ah!"

"Pabayaan mo lang!"

Babae yata ang tumatawag. Ang kulit amputa. Kanina pa naglalaro sa isip ko na baka si Sarika. Tang ina, magmumuling ibalik ba sila?

Hindi na ako nakatiis kaya inabot ko ang cellphone. Unknown number. Putang ina ni Chita kung si Sarika 'to.

"Hello? Sino ka ba? Kanina ka pa tawag nang tawag. Type kong sampalin ka sa personal, game ka?"

"Dem? Ikaw ba 'yan?"

Natakpan ko ang bibig. Si Nanay! Si Nanay itong tumatawag!

"Ay, Nay! Opo, si Dem 'to. Napatawag po kayo?" tonong pabebe ko.

"Nasaan si Miko? Ba't hindi niya isasagot? Iba-ibang number na nga ang ginamit ko."

Anong sasabihin ko? Dahil ayaw niya? Iyon ang totoo.

"Ah, lumabas po. Pinabili ko ng ice cream."

"Ganun ba. Pakisabi na umuwi siya ngayon. Dadalawin namin ang puntod ng tatay niya. Bumyahe na kamo siya ngayon para makahabol kami bukas. Ngapala, hija, kamusta ka? Biglaan ang pagluwas ni Miko kahapon dahil kailangan mo raw siya. Ano bang nangyari sa 'yo?"

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon