Demoness 18: Casually Said

922 57 17
                                    

Demoness 18: Casually Said

Dem's POV

"Pasyal tayo."

"Tinatamad ako."

"Utos iyon."

"Ano ngayon?"

"Sundin mo, Gago."

"Ayoko, Gaga."

Nagsukatan kami ng tingin ni Chita. Nakasalampak ako sa sahig habang siya ay nasa sofa. 'Yung hitsura niyang sitting feeling pretty ay nostalgic. Ganoon din ang hitsura niya nung kinanti ako ni Francis dahil binugbog ko siya. Mas nagpi-feeling pretty lang siya ngayon dahil wala siyang pasa.

"Mas ka talaga sa average standard ng pangit," sabi ko. Tumayo ako. Tama na ang paglalampaso ko sa sarili sa sahig.

"Mas lang ako. Ikaw, pangit the most."

Ngumiti ako ng pang-commercial. "Kung ako ang basehan ng pinakapangit, walang nang maganda."

Nag-irapan kami.

Wala ang nanay ni Chita. Namalengke. Kami ang naiwan at buryung-buryo na ako. Wala man lang tv. Maski radyo. Is this a house?

Lumabas ako. Kung ayaw niya akong samahan edi 'wag niya. Sinuot ko ang tsinelas na binili niya para sa akin. Porket binilhan niya ako, nilabhan mga damit ko at nilinis ang kwarto ay susuwayin na niya ako. Tang ina, feeling niya siya pa talaga lugi sa pagkukunwari naming 'to? Mas type ko pang kakunwarian si Jolo e.

Speaking of Jolo. "Hoy, Mas Pangit, pupunta ako kila Jolo!"

"Gooo! Walang pipigil sa 'yo, beh."

Ugh! Nakakainit talaga siya ng ulo! Bakit nung nasa Maynila kami, hindi siya umiimik maliban lang noong unang beses kaming nag-away. Wiling-wili siya sa pag talk back ngayon. Pinagsisilbihan niya ako, kami ni Francis at Jolo kahit hindi ko inutos. Bakit ngayon siya umaarte ng ganun e kailangan niya ako? Putang ina siya. Ibubuko ko siya sa nanay niyang akala lalaki na ulit siya.

Paglapit ko sa gate, napaatras ako. "Putang ina!" Nakatayo si Sarika sa ilalim ng puno sa kabila ng kalsada. Doon ako pinapak ng lamok. Pucha! Mukhang siyang malaking manika na pang regal films!

Poker faced siya sa unang tingin. Pero kapag pinagmasdan ng matagal, nagpipigil lang siya sa panggagalaiti. Kuyom ang mga palad niya. Dikit na dikit ang labi. Kung ako ang nasa posisyon niya at hindi na makapagpigil, hitsurang ogre mode na ako.

"Sarika Manika? Hi!" ngiti ko at lumabas ng gate. Pagtalikod ko sa kanya para isarado ang gate, nanlaki ang butas ng ilong ko. Artista mode on.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Nagbabaka sakaling makita si Miko."

Wow. Nasilaw naman ako sa kumikislap niyang mata, nangingintab na mukha at cute na ngiti. Ang bilis kumalma kunwari. Idol!

"Wala kang mapapala sa pagbabaka sakali. Gusto mo siyang makita? Dalhin ko rito gusto mo?"

"H-Ha? Weh? Di nga?" Mas lalo siyang naging cute.

"Oo naman yes! Wait." Bumalik ako sa loob ng bahay.

"Akala ko ba pupunta ka kila Jolo?" Tumawa siya. "Hindi ka marunong pumunta 'no?" pang-aasar ni Chita.

"Tarantado. May kukunin lang ako."

Dumiretso ako sa kubo ko. Kinuha ko ang kailangan. Pagbalik ko sa kubo number 1, nangsususpetya ang kapangitan ni Chita.

"'Wag mong sabihing may pinaplano kang masama kay Jolo?"

"O sige, hindi ko sasabihin." Pinakita ko sa kanya ang middle finger ko saka lumapit sa pinto. "Chaka, 'wag kang lalabas. Itago mo 'yang kapangitan mo."

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon