Demoness 11: Knights Of The Unprotected

1.1K 57 5
                                    

Dedicated kay @JamaicaBalijado. Hindi ka ma-mention dahil naka-mobile lang ako pero sure naman na mababasa mo ito. Hi, girl!

Demoness 11: Knights Of The Unprotected

Dem's Note!

Tingin sa multimedia! Kung nagloloko ang multimedia, tang ina. Sa cellphone lang kasi ito ni-publish ng editor ko. Kung hindi naman nagloloko, ang ganda ko 'di ba? Kahit nang-uuyam ang hitsura ko, mas nakakauyam pa rin ang hitsura ng inaaway ko sa oras na iyan.

Dyosang-dyosa talaga ako! Yumukod at magbigay-pugay sa akin! Like this, OTL

Tama na ang chika. Wala namang mahirap intindihin sa kadyosahan ko.

Pretty na pakyu to all! t (•ᴗ•t )

--------------

Dem's POV

Nawalan ako ng lakas. Nai-stress na ako.

Pwede bang itigil mo na ang ikot ng mundo?!

"Dem, tayo na lang. Bagay naman tayo e."

Kung hindi ako tinatamad magwala ay nasipa ko na si Jolo hanggang sa tabi ng driver. Sanay ako sa magdamagan dati pero nung tumira ako sa bahay ni Chaklita ay natigil ako. Maaga na akong natutulog kaya antok na ako ngayon.

Magpapahinga na lang ako kaysa salubungin ang kagaguhan ng pamintang dilat pala - hindi lang halata dahil cutie ang mata - noong nagpaulan ng kakornihan ang langit.

Papikit-pikit na ako pero tuloy pa rin sa pagsasalita si Jolo. Bahala siya. Naririnig ko lang siya pero hindi naiintindihan. Iidlip ako.

...

Pagmulat ko ay saktong malapit na kami. Grabe! Tang ina, gusto ko na talaga matulog! Sa lapag ko papatulugin mamaya si Jolo at ako naman sa kama. Ang tagal kong nagtiis sa pagtulog sa sofa sa sala para lang hindi siya kunsintihin sa pagpapaselos kuno kay Chita. Magdusa siya ngayong gabi dahil napapagod na ako sa pang-i-stress nilang dalawa.

Nakatingin si Jolo sa labas ng bintana. Siguro naman marunong na siyang umuwi. Madali lang naman tandaan ang bababaan namin dahil Interfaith compound na agad iyon. Overlook ang bundok, damuhan ang bungad at may arko pang nakalagay na INTERFAITH COMPOUND. Medyo malayong kembot-liko at bahay na ni Chita.

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon