Demoness 20: To Feel Love

882 46 3
                                    

Dem's Note! 

Tingin sa multimedia. Ayan si Sarika RP(Real Puta)! Cute! Kapag may light make up, pang-anime na. Cosplayer ang beauty pero maganda pa rin ako. Kutis ko lang siya! 

Kapag nalaman mo ang kwento nila ni Chita, ikaw na ang humusga. Basta RP siya sa akin. 

Real na pakyu to all! t t

Demoness 20: To Feel Love

Dem's POV

Bugbog daw si Jolo. Ang daming tao sa ospital na may kalakihan ngunit luma na. Akala ko sakitin ang mga tao, iyon pala, naroon ang halos buong bayan para kay Jolo. Iyong iba ay pauwi at ang iba ay tulad namin na kararating pa lang.

"Kailan po siya dinala?" tanong  ni Chita sa isang matanda.

"Nung nakaraang araw pa pero kagabi lang kumalat ang balita. Alam mo naman si Senyora, ayaw niyang ipagkalat ang ganito pero si Jolo iyon... At hindi ito ang unang beses na nangyari ito sa batang 'yun."

Bakit nabugbog si Jolo?

Sumunod ako sa kanila. Nakarating kami sa 6th floor gamit ang hagdan. Walang elevator! Puro babae ang naroon. At kung hindi ako nagkakamali, sila ang mga babaeng sumalubong sa amin pagkarating  dito sa Pamplona. Nag-iiyakan sila.

P-patay na si Jolo?!

Habang nagtatanong-tanong si Chita at ang iba kung saang kwarto, tinahak ko ang dulo ng kumpulan ng mga babae. Huling kwarto sa right wing, parang mga zombie na nakaabang sa pinto ang mga babae.

"Tabi diyan! Papasok ako!"

Masama ang tingin sa akin ng mga babae.

"Hindi pwede! Ayaw ni Jolo magpapasok ng kahit na sino. Pinapasabi niyang okay lang siya kaya 'wag na mag-alala," anang ng mukhang cheerleader na nasunog sa araw.

"Kung okay siya, bakit kayo umiiyak?"

"Kami ang Division of Pretty Girls! Mga kabataang babae na pinanganak para mahalin si Jolo Oliver Tuazon at Michael Angelo Ilagan! Nasaktan siya at nasasaktan din kami. Mahal namin si Jolo at napakasakit nito," iyak nila.

Dinouble check ko ang mga hitsura nila. Saan nanggaling ang pretty?!

"Ikaw 'yung kasama nila ni Miko 'di ba?! Sino ka?" puna ng isa.

"Aagawin mo silang dalawa sa amin! Kailangan mong mawala!"

"Sabihin mo ang pangalan mo. Ililista ka namin sa Hate Note!"

"Anak ng puta!" Kinukuyog nila ako kaya pinagtutulak ko sila. "Ako si Dem Orteza, dyosang demonyita! Pagsasampalin ko kayo, tang ina ha!"

Mas lalo akong kinuyog ng isa. "Sige, subukan—"

Umalingangaw ang malutong na sampal ko. "Gago ka, mukha kang lamok. Hindi pa 'yun ang sampal ko. Eto—"

"Dem! Ano ba!"

Naiwan sa ere ang palad ko. Kating-kati ako manampal pero humarang si Chita.

Tinulak ko siya at dumiretso sa pinto. Pinagsasamaan ko ng tingin ang nakabantay dun. Tumabi sila.

Pumasok ako at hahabol pa si Chita. "Oops! Ako muna mag-isa!" Ni-lock ko ang pinto.

"Dem?"

Tumambad sa akin si Jolo na nakahilata. Putok ang kanyang kilay, labi at pisngi. Maliit na nga ang mata niya, lalo pang lumiit sa pamamaga. Tinakbo ko ang distansya namin. Hinampas ko ang dibdib niya. "Hindi pa kita nabubugbog ng ganyan tapos hinayaan mong gawin ng iba!"

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon