Demoness 21: What Love Is

937 52 0
                                    

Demoness 21: What Love Is

Dem's POV

Pangatlong araw ko na sa ospital sa pagbabantay at pag-aalaga kay Jolo. Inaalagaan ko siya samantalang never akong nagkaroon ng pet. Ang kagandahan ko kasi ay ang lakas makakatulong— pang all around.

Palit-palitan kami ni Chita at Nanay sa pag-asikaso kay Jolo. Madalas ako dahil wala naman akong ginagawa sa bahay kundi magpapansin kay Chita e parang hindi naman naaapektuhan sa kagandahan ko. Sa ospital na lang, sikat pa ako.

As usual, tengga ako sa room niya. Buti na lang aircon. Bihira lang ako lumabas kasi sikat talaga ang kadyosahan ko. Emgee! May mga kakatok sa pinto at pagbukas ko ay may bulaklak na. Ilang beses ganoon sa isang araw. Natuwa ako nung una syempre at hindi ko kilala kung sino ang nagbigay. Kung anumang hayop ang mga iyon, ang lakas maka-babae ng mga bulaklak! Pero sa araw na ito, ayoko na makatanggap. Imbyerna. Mukha nang mausoleum ang kwarto ni Jolo at si Jolo ang patay na pinag-alayan.

May mga mayamayang dumarating at nagbibigay ng prutas. Mahal na mahal ng Pamplona si Jolo. Dumating din ang Division ng mga pretty daw at chest out kapag humaharap sa akin. Sus, wala namang mga dede! Tang ina ng maiinggit.

Puwede nang i-discharge si Jolo. Ang totoo ay dini-discharge ng siya ng doktor pero ako ang ayaw siyang ilabas.

"Papagastusin natin ng malala ang tatay mo sa hospital bill. Nang mawindang siyang gago siya."

"Mayaman iyon. Barya lang ito, Dem. Pero kahit kusing lang 'to, magagalit 'yon dahil mababawasan ang kayamanan niya," tugon ni Jolo.

"Hayaan mo siyang ma-beastmode! Pumunta pa siya rito nang ma-headbutt ko siya."

Ngumuso siya. "Secret lang 'to, ah. Druglord si Daddy. Ano, kakasa ka?"

Nag-isip muna ako. "Tagilid ako sa mga druglords sa Maynila e. Alam mo na, 'yung isyung iniwan natin doon. Ayoko na hanggang dito ay Wanted ako. Pero sa mga ex ko, ipapatira ko 'yang Daddy mo. Isang bala lang siya." Umakto akong namamaril, "Bang."

Kumunot ang noo niya sa pagtataka. "Hindi ka ba nagulat na druglord ang tatay ko at anak ako ng kriminal?"

"Hindi ko inakala pero wala namang bago sa ganyang impormasyon. Napasok ko na ang mundong 'yan dahil sa pamimera ko. Perahan din natin ang Daddy mo 'pag may time."

"Hindi ka ba natatakot? 'Yung mga naiisip mo, kalokohan pero pang-totohanan na gagawin."

"Natatakot naman ako. At kapag takot na ako, hindi na ako mapapahamak kasi tutulo na ng kusa ang luha ko."

"Iiyak ka?"

Twelve pa lang ako ay sinubukan nang ibugaw ng tiyahin ko. Iyon ang unang beses na natakot ako.
Sa kanya ako tumira mula 10 taong gulang. Wala na kasi ang mga magulang ko. Iniwan ako. Sa pamamahay niya nagmula ang demonyita kong pagkatao. Mautak ako kaya laging nakakatakas. Nung sixteen ako, naglayas na ako noon at doon na nagsimula ang pakikipagplastikan ko sa snatchers.

Pinerahan ko sila hanggang nag-level up na ang mga pineperahan ko. Hindi ako humuhuthot ng sobrang laki kasi alam kong malaki rin ang kapalit. Pero wala naman sa kanila ang humingi ng kapalit kasi ang ganda-ganda ko lang. Sapat nang makita lang ako.

Kapag may mga medyo matitinong nanliligaw sa akin, 'yung mga college students na nakita ako sa bar, sinasabi ko ang tungkol sa escapades ko sa mga kriminal. Nagba-back off sila. Na-turn off ang mga kupal. Tang ina nila. As if gusto ko ng pasosyal! Okay ang mayaman pero putang ina ng kasosyalan nila. Ayoko ng ganun. Mas maarte pa sa akin. Saka, sila itong fuck boys. Wala namang balls para kumita ng sariling pera. Mas mapera pa ang drug pushers.

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon