Demoness 35: His Dream Girl

962 36 13
                                    

Demoness 35: His Dream Girl

Dem's POV

"Saan ka na ba?"

"City hall na," sagot niya at tuloy pa rin sa pagpapagwapo sa screen.

"Cute mo talaga sa video call. Diyan ka na lang. 'Wag na tayo magkita sa personal."

Tumawa siya. "Cute lang? Gwapo kaya." Lalong siyang nagpapogi.

"Oo na lang." Pinapanuod ko lang siyang magpapogi. Wala naman kasi akong sasabihin. Saka siya itong nagpauso ng regular naming pag-video call sa messenger.

"Malapit na 'ko," aniya.

Napangisi ako. May naisip akong kalokohan. Inayos ko ang paghawak sa phone at nagsimulang magpa-cute.

"Hoy! Daya nito, o! Kung kailan mag-e-end call na 'ko saka magpapa-cute."

Binelatan ko siya. "I-end call mo na."

Nagsabi siya sa taxi driver na ihinto na sa tabi. Nagpaalam na rin siya sa akin. "Pasok na 'ko sa trabaho."

"K."

"Tulog maaga, ah. Mahal kita." Saka in-end niya ang video call.

Nag-send pa siya ng seflie niya. Nag-selfie rin ako at sinend sa kanya.

Kinausap ko na si Papa kanina at ngayon si Miko pero malungkot pa rin ako. Ewan. Hindi naman ako bored dahil putang ina, nagdudugo na nga ang utak ko at napapagod na akong maghabol sa oras para sa deadline ng school works. Isabay pa ang nalalapit na fashion show ng Lameka Laine.

Nasestress na nga ako, nakakaramdam pa ako ng lungkot. Hindi bagay sa kagandahan ko.

Tinawagan ko na si Cheche at niyayang mag-overnight dito sa condo unit ko.

"Tigang ka lang, bes." Nahampas ko ng pillow set si Cheche. Kakarating lang niya at bumira agad ng ganon. Gusto ko ma-distract sa kagagahan niya pero putang ina nito.

"Totoo naman! Kita mo 'yang hitsura mo, halatang nangungulila sa lalaki! Kinulang ka sa lambing. Nanlalamig na ba sa 'yo si Miko? Ha! Ganyan 'yang mga lalaki. I-break mo na bago ka pa masaktan ng bongga."

Libre ko siyang binigyan ng what-the-fuck look. " Nag-break lang kayo ni Jolo, naging bitter ka na. Nasaan na 'yong kalandian mo?"

"Naligaw."

"Santisima! Ngayon pa naligaw? Ngayon lang?!"

"Heh! 'Wag mong binabaling sa 'kin ang usapan. Kayo ni Miko..."

"Hindi kami kaya 'wag mong mabanggit 'yang tigang dahil nandidilim ang paningin ko. Baka hindi kita matantya at ma-friendship over tayo."

"Ha?! Hindi pa rin kayo ulit?!" oa niyang pagtayo. Para siyang taga-teatro kung kumilos. "Pero, pero, pero para nang kayo! Iyong pagsama niya sa 'yo kapag may oras siya o 'yong imbes na matulog ay pinupuntahan ka niya. Iyong pagbababad niyo sa messenger. Hindi talaga kayo?"

"Hindi." Kunot na kunot ang noo niya. Takang-taka. "Mahirap ba intindihin, Che? Ang bobo mo, a."

"Na-gets ko na, pero bakit?" muli siyang umupo sa sofa.

"Sabi niya nanliligaw siya. E kaso hindi ko priority mag-boyfriend."

"So, hindi mo sasagutin?"

"Hindi naman siya nagtatanong."

Akala ko tapos na ang usapan naming iyon pero bago matulog ay may sinabi pa si Cheche---- na hindi nagpatulog sa akin.

"Baka natatakot ka ulit sumugal kay Miko dahil nasaktan ka niya dati. Move on din,Demetria."

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon