Demoness 6: Prince Turned Down The Witch

1.4K 81 10
                                    

Demoness 6: Prince Turned Down The Witch

Badtrip na love frogs. Walang hiya. Aist! Kailangan mag-break sila! Hindi ko man magawang lalaki si Chaklita, mapasaakin lang si Francis! Charot! Nakataga na sa lapida nilang tatlo na gagawin ko silang lalaki bago sila mamatay. Kaya nga sinisimulan ko na. Ang hirap lang ay presence pa lang nilang tatlo na magkakasama, naiimbyerna na ako.

Humiga na ako sa kama. Nakakaboring. Wala man lang akong cellphone o laptop. Hindi naman kasi ako nagse-cellphone dahil wala naman akong kino-communicate. Si Cheche ay pinupuntahan ko ng diretso. Gusto ko ng laptop. Nang mabuksan ko na ang facebook ko. Kung nakawin ko na lang kaya 'yung laptop ni Chaklita? Ay, ayoko. May virus na iyon ni bakla at malamang nahawa na rin iyon sa katangahan ng may-ari.

Bumukas ang pintuan. Si Jologs lang pala. Mukhang natalo sa dota 'yung hitsura niya. Lugi.

"Saan ka ba nagpupunta?"  First time kong makita si jologs na naiinis. Mukhang babaeng natatae, pero hindi, masakit lang pala ang puson.

"Dyan lang sa tabi-tabi."

"Lagi kang wala, paano iyong plano natin?"

So iyon pala ang ikinaiinis niya. Si Chakang Bakla nanaman. Putspa. Wala nang pahinga ang chita na iyan na galitin ako.

"Ano bang nagustuhan ninyo kay Chaklita at patay na patay kayo sa mukhang bangkay na iyon?"

"Huwag mo siya pagsalitaan ng ganun. Mabait siya. Sobra. Mas pipiliin ko siya kaysa sa tunay na babae."

"Gago! Sa lahat ng aspeto bobo ka. Buti naka-graduate ka pa sa school kahit tanga ka."

"Huwag ka nga magmura," na-eskandalong wika niya.

"Tagatanggap ka lang ng mga sinasabi ko. Huwag ka na magreklamo. Sinasabi ko lang naman ang pinagsisigawan ng pinaggagawa mo."

"Ang sama kasi ng tingin mo sa kanya. Hindi mo naman talaga siya kilala."

Nagkibit-balikat ako. "'Di bale nang ako ang masama sa lahat, huwag lang ako ang maiwang talo."

"Wala namang nakikipagkompetensya sa 'yo."

"Gusto kong makipagkompetensya eh. Kahit nakakainis, hindi buo ang araw ko nang walang naaaway."

"Magbago ka na."

"Di ako magbabago. Tigilan mo ako."

"Wala ka namang mapapala dyan."

Ayaw pang manahimik ng hayop na ito. Leche. Tumayo ako at iniwan siya. Lumabas ako ng silid. Nag-iipon pa lang ako ng lakas. Sayang ang energy ko sa kanya.

Sa sala na lang sana ako pero anak ng tipaklong, nilalanggam dito! Naabutan kong naglalampungan ang dalawang palaka. Iyong palakang prinsipe at iyong look-a-like ng palaka.

Nakakandong pa ang bruha habang mahigpit na nakayakap sa pugo. Para silang koala. Koalang mukhang gorilla!

Kainis. Wala bang matinong parte ang bahay na ito? Ah, alam ko na.

Bumalik ako sa kwarto at kumuha ng damit. Si Jologs nagla-laptop. Psh.Magkakaroon rin ako niyan. Paglabas ko, nakatingin sa akin iyong dalawang palaka. Tinignan ko rin sila. Ang chachaka. Binigyan ko sila ng I-know-I'm-pretty look. Bumusangot ang mukha nilang gusot.

Dumiretso ako sa CR. Ito lang naman ang peaceful sa bahay na ito. Akalain mo, ako na demonyita gusto ng peaceful? Ha-ha-ha.  Twenty first century na, moderno na ang mga demonyita. Hindi mukhang emo o bruha, mukhang dyosa. Ako na ang patunay niyan, reklamo?

Naglagay na ako ng tubig at sabon sa bathtub. Maraming sabon para mabula. Lumusong na ako at nagbabad. Hay, ang sarap sa pakiramdam. Nakakarelax. Ang sarap matulog.

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon