Demoness 4: Fight 'Til You're Knock Out

1.6K 86 8
                                    

Demoness 4: Fight 'Til You're Knock Out

"So ganun, bakla ka rin pala."

Amba akong lalabas ng pintuan nang tumayo siya at tangka akong pigilan.

"Huwag mo akong susundan," walang emosyon kong sinabi.

Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko si Francis sa sala. Nagdire-diretso lang ako paglabas ng bahay. Naba-badtrip ako.

Pumunta ako sa tindahan sa kabilang kanto at nag-yosi. Ito ang way ko para kumalma. Masama ang loob ko. Okay naman sana sina Miko, Francis at Jolo. Magkakaibigan nga sana kami ngayon kung hindi sila bakla.

Ayoko ko sa bakla. Nasira ang pamilya ko dahil sa mga tulad nila.

Magiging bahagi na ng buhay ko ang mga baklita na iyon at kailangan may gawin ako. Magtitiis ako ngayon na makasama araw-araw ang mga bakla kaya dapat may magandang mangyari.

I witch laugh in my mind with the thought. Gagawin ko silang lalaki. Sa ganda kong ito, walang nakapagtataka.

Naalimpungatan ako kinabukasan dahil sa sakit ng likod ko. Iyong mga buto-buto ko, masakit!

"Doon ka na sa taas matulog. Mukha kang yagit dyan."

Sinong paepal iyon? Sa tatlong paepal sa buhay ko, sino?

Mula sa pagkakahiga ay umupo ako sa sofa. Inirapan ko siya. Naka-black polo siya at jeans.

"Akala mo gwapo ka? Feeler."

"May sinabi ba ako? Baliw."

"Anong sabi mo?"

"Baliw."

Ang aga-aga hinahamon ako ng pugo na ito.

"Ang pangit mo bumanat, Pugo."

"Pugo? Iyong maliit na itlog?"

"Hindi. Ikaw, 'yung punyetang gago. Kuha mo?"

"Ang dumi ng bunganga mo. Tss."

"Pakialam mo? Nakabawas ba 'yun ng kagandahang taglay ko?" Alam kong maganda ako sa umaga at kahit kailan kaya malakas ang loob kong harapin siya kahit ganitong ayos na ayos siya.

"Yabang."

"Kasi may maipagyayabang ako. Kaya tama lang na humble ka," mapang-asar kong ngiti.

"Bahala ka. Aalis na ako." Tumayo na siya at papunta sa pintuan.

"Crush mo ako 'no?"

"Paano mo naman nasabi?" taka niya.

"Kasi nagpapaalam ka pa sa akin.Para namang may pakialam ako."

"Paano kung oo? Crush kita." Nasa pintuan na siya nakatayo pero nakatingin pa rin sa akin habang naka-smirk.

"Edi maganda. Crush din kita, eh."

Nagulat siya si sinabi ko. Tinatanong niya, sinagot ko. Kung hindi ba naman siya tanga na hamunin ako.

"Tuwang-tuwa ka naman na crush kita? Kilig ka na niyan?"

Nag-smirk nanaman siya. Ang hilig niya mag-smirk. Lalo siyang nagiging pogi. Naglakad siya palapit sa akin. Dahil nakaupo ako sa sofa, yumuko siya para mapantayan ako. Ang lapit ng mukha namin.

"Alis na ako, crush ko. See you later." Nag-wink pa siya at sabay buga na hininga niya. Ang bango ng hininga. Pwedeng isa pa?!

Hindi ko napansin na nakaalis na pala siya. Grabe. Tinawag niya akong crush. Kinikilig ako!

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon