Demoness 29: Gentle Love

966 52 3
                                    

Sorry for the long wait.

Demoness 29: Gentle Love

Dem's POV

Maraming naghihinagpis sa kanilang kalooban pero nakangiti sa labas. Hindi sa humuhugot ako, nabanggit ko lang. Si Chita kasi. Sabihin bang lalaki na ang puso at isip pero ang kilos niya... motherly. Hindi na siya pumipilantik na tanda ng kabaklaan. Hindi as in kilos bakla pero ang asta niya ay parang nanay. Inaalagaan pa niya ako. Para akong baby dahil siya ang kumikilos sa lahat ng gawaing-bahay. Pero hindi ako 'yong baby as in na binibihisan at pinapalitan ng diaper. Eww lang.

Pinag-iinit pa niya ako ng tubig kapag tinatamad akong maligo dahil nalalamigan sa tubig.

"Konti na lang maluluto na. Wait lang," aniya. Suot niya ang Spongebob Squarepants apron na binili namin.

"Sige lang."

"Tulungan mo na kaya ako? Maglagay ka na ng mga plato."

"Sus. Kaya mo na 'yan."

Hindi siya lalambot-lambot pero nandoon pa rin ang pinong kilos at pagiging metikuloso.

"Kamusta na nga pala si Nanay?" tanong ko.

Naghahain na siya sa mesa ng hapunan. "Nami-miss daw tayo ni Nanay."

Napalaki ang butas ng ilong ko. "Feel ko talaga nung nasa Pamplona tayo na may binabalak siyang pangit. Mukhang wala naman. Buti na lang."

Natigil sandali ang mga mata ni Chita sa akin. Parang may bigla siyang naisip.

"Oo na, mas maganda ako sa gabi. Alam ko na 'yon. Maliit na bagay." Hinawi ko ang buhok na tulad ng sa commercial ng shampoo.

"Oo na, maganda ka na."

Magkakasundo talaga kami kung hindi niya binabara ang kagandahan ko.

"E si Jolo? Anong balita?" Miss ko na kahit papaano ang jologs na iyon. Wala nang nagtatanong ng obvious.

"Ba't gusto mo malaman? Miss mo?"

"Oo."

Pabagsak niyang nilagay ang baso sa harap ko. "Walang balita."

"Paanong wala?" kunot-noo ko. "Hay naku, Chita, kung nagseselos ka, ilabas mo sa isyung iyan si Jolo. Hindi obvious pero kaibigan ang turing ko roon. Tang ina hindi kami talo."

"E wala nga. Kinumpiska siguro ang cellphone niya kaya hindi makontak."

Ganon. Napatango na lang ako. Bago ako lumipad pa-Los Angeles ay bibisita na muna ako ng Pamplona para makapagpaalam ng personal sa kanya.

Nagsimula kaming kumain. Masarap magluto si Chita kaya laging napaparami ang kain ko. Ang ulam pa namin ay adobong manok na paborito ko.

"Dem... kung kaibigan mo lang si Jolo, bakit ka niya hinalikan?" biglang tanong ni Chita.

Napahinto ako sa pagsubo. Niyon ko lang napansin na halos hindi pa nababawasan ang pagkain niya.

"Siguro kasi crush niya ako? Kasi thankful siya at ganoon siya magpasalamat? Siya ang nanghalik, malay ko sa dahilan niya. Basta ako, hindi ako manghahalik ng kaibigan," sagot ko naman.

Natapos akong kumain habang siya ay hindi pa. Amba akong tatayo pero pinigilan nanaman niya ako ng tanong. Putang ina! Pansin ko lang na kanina pa kami nagtatanungan dito.

"So hindi mo ako hahalikan?" Diretso ang pagkakasabi niya pero namumula at constipated ang mukha. Para siyang natatae at nagmamakaawang siya muna ang gagamit ng banyo. Bastos!

"Bakit, kaibigan ba kita?"

Bago ko siya tuluyang iwan sa kusina, "Happy first monthsary, fake boyfriend."

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon