Demoness 15: Misunderstanding's New Born Lovestory

967 52 5
                                    


Demoness 15: Misunderstanding's New Born Lovestory

Dem's POV

Hindi ako makatulog. Nasa kubo ako na siyang magsisilbing kwarto ko. Tama lang ang laki, gawa sa kawayan at pawid. Buti na lang may kuryente at maayos ang bumbilya na paalala na nasa Earth ako at buhay pa. Hindi ako makaporma ng pagwawala dahil sa nanay ni Chita.

Feel ko sanang sunugin ang lugar na ito agad-agad dahil mas  magiging at home sa ganun ang kademonyitahan ko pero mukhang mas ikatutuwa iyon ng nanay ni Chita. Magkakaroon ng makeshift impyerno at baka lalo siyang maghasik. Kung kampon ako ni Satanas, siya naman ay kabit!

"Dito ako titira kila Chita...

"... kasama ang nanay niyang impakta."

Ngayon alam ko na kung sana nagmana ng kaimpaktahan ang chakang baklita.

Puta, nung nag-iyak iyak siya kanina sa kapakanan ni Chita, para siyang kawawang matanda. Isa pang puta na nung makaharap ko siya matapos kausapin ni Jolo ay para siyang sinapian. Kapangit!

Okay, hindi naman literal na pangit. Maganda ang mukha kahit halata ang wrinkles pero 'yung mukha niyang halatang may binabalak na masama ay nakaka-bother. Hindi ako natatakot. Nacu-curious ako. Demonyita ako, sugo raw ni Satanas ayon sa marami, at mas malala pa sa akin ang aurang nasi-sense ko sa nanay ni Chita. Makakalaban ko siya sigurado. Hindi maganda ang timpla niya sa akin e.

Huh, kung ano man ang plano niya, go lang. Mahulog man ako sa tinatahi niyang bitag, siguraduhin lang niyang handa siya kapag ako na ang rumesbak. Matanda siya, maganda ako. Hindi siya pangsabunutan o sampalan kaya baka saksakan. Char lang! Eee, hindi ko dudumihan ang kamay ko sa karumihan niya.

I wonder kung ano ang nakataya sa sisimulan naming laban.

Ewan ko ba kung brainy at creative lang ang magulang niya o kagaguhan lang ito. Hmp, kagaguhan lang siguro! Imbes na malaking bahay, hiwa-hiwalay ang parte ng bahay at ginawang kubo-kubo. Parang ewan.

Sinarado ko ng maayos ang pinto. May nakalatag nang banig kaya humiga na ako agad. Hay, putang ina this! Hanggang dito ay hindi ko pa rin matikman ulit ang kama! Dapat kasi kila Jolo na lang ako e!

Speaking of Jolo...

"May kailangan kang malaman at kailangan ko ang tulong mo."

"Ano 'yun?"

"Alam na sa bahay na nagka-relasyon kami ni Miko," nababahala niyang wika.

"O, ano ngayon? Totoo naman. Patago-tago pa kasi kayo ng kabaklaan dito e sa Maynila ang lalandi niyo."

"Alam na nila kaya siguradong ipapakasal nila kaming dalawa!"

"Tang inang 'yan! Serious?!"

Naiiyak siyang tumango.

May mali dito...

"Ayaw mo?"

"Ayaw ko. Gusto ko nang maging straight na lalaki. 'Yung nangyari sa amin ni Miko, kung saan natapos ang relasyon namin, gusto ko hanggang doon na lang. Bestfriend ko na siya ulit ngayon."

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon