Demoness 8: Mismatch

1.3K 72 19
                                    

Dem's Note! 

Nakikita niyo yung picture sa multimedia, si Miko 'yan! Chararat di ba?! *sigh* Echos lang. Hindi talaga siya chararat. Inamin ko na yun sa Demoness 4. Pero dahil kaaway ko siya, chakang baklita pa rin siya. Hmp!

Sabi nga ng editor ko, yung writer nito, hinay-hinay daw ako sa panlalait. One day, I might fuck up and find my heart with Miko daw. Tang ina nun, di ko naintindihan.

Mahinang pakyu to all!  t(._.t ) <---- Kalbo pero hindi ako kalbo sa personal.

***************

Aningness: Dedicated kay @justforbias dahil crush niya si Miko. Sure ako. :)

****************

Demoness 8

Inuwi muna namin sa bahay ang mga binili ni Jolo para sa akin saka kami dumiretso sa Black Dice bar.

"Siguradong magugulat at matutuwa si Mikmik kapag nakita niya ako. At magseselos din kasi kasama kita."

Tumigil ako sa paglalakad.

Patlang.

Huminga ako ng malalim. "Siguro pitong buwan ka pa lang sa sinapupunan ng nanay mo tapos pinanganak ka na. Tapos limang oras ka yata inere."

Natigilan si Jolo. Unti-unti siyang lumingon sa akin gamit ang mukhang para bang may sinabi akong kakaiba.

"Pano mo nalaman?"

Napasapo ako sa noo. Gosh. I kennat.

"Ang talino mo talaga, Dem! Idol na kita!"

"Gago! Tara na nga."

Pagkapasok pa lang namin ay sinalubong na kami ng nananapak na usok ng sigarilyo - iyong chipipay na sigarilyo! Friday nga pala ngayon kaya dumog dito ng mga nagmumukhang-tao.

"Dem," umubo-ubo ang jologs, "Magkaka-lung cancer tayo nito."

Hinawakan ko na lang siya sa braso dahil nakaharang sa daan ang mga lamang-dagat na naligaw sa lupa. Mga toyu. Baka mawala ang lalaking ito at gahasain ng mga susu.

Umakyat kami sa second floor at pumwesto sa railings. Kitang-kita namin ang mga kitikiting nakadamit na nagsasayawan sa baba. Mula rito ay kita rin namin ang bar counter. Busy si Chita sa paghalo ng drinks at pagpapa-cute sa mga customer.

Nagmamaganda nanaman ang mukhang patay na kinapapatayan ng dalawang pota.

Pinanlisikan ko siya ng mata at baka sakaling labasan ng laser beam ang mata ko at targetin siya. Humapdi na ang mata ko pero wala kaya nevermind!

Nilingon ko si Jolo na hindi pa rin tumitigil sa kakatahol. "Huy! Bawal aso dito!"

Hindi pa rin siya tumigil. Namumula na ang mukha niya at nangingilid na rin ang tubig sa mata. Nakahawak siya sa dibdib niya at hinihingal pa.

"May hika ka ba?"

Tumango siya.

"MAMAMATAY NA ANG KASAMA KO!"

Dahil mga shokoy at shokay ang nasa maingay na paligid, walang rumesponde.

Iniwan ko si Jolo at tumakbo papunta sa counter.

"Chaka! Si Jolo! Mamamatay na!"

"Ha?!"

"Hinihika na dun. Tumawag ka na ng punerarya!"

Sinampal ako ni Chita. "Gaga!"

Hindi na ako nakaganti dahil tumakbo na siya papunta kay Jolo. Pareho kaming napatigil bago makahakbang sa hagdan dahil bumababa na si Jolo.

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon