Demoness 28: She Was His Choice

889 47 11
                                    

Demoness 28: She Was His Choice

Dem's POV

Wala lang 'yong kiss. Wala lang talaga.

"Dem, anong gusto mong meryenda?" Naglakad siya palapit sa akin.

"Wala." Umusog ako sa dulo ng sofa.

Umupo siya sa sofa. "Anong kakainin natin?"

Tumayo ako at lumayo sa sofa. "Kahit ano."

Ayokong mapalapit nanaman sa kanya dahil nanghahalik siya. Tang ina lang. Pagkatapos niya akong halikan sa grocery, parang wala lang sa kanya. Parang normal lang. Samantalang ako ay nanlalamig. Para akong namatay at naging multong palutang-lutang. Ganun 'yong feeling. Shock na shock ang kagandahan ko.

Inaabangan ko ang palabas na cartoons pero ayoko dito sa sala kasi iba 'yong ere. Baka maulit nanaman 'yong sa grocery. "Akyat muna ako." Nagmamadali akong dumaan sa harap niya pero napigilan niya ako sa braso.

Putang ina!

"Iniiwasan mo 'ko."

"Obvious naman pala e. Makisama ka!"

"Bakit?"

"Kasi nanghahalik ka! Porket ang gwapo muna at lalaking-lalaki na, manyak ka na rin. Tarantado ka," asik ko at inalis ang pagkakahawak niya sa akin.

Nakatakas ako pero sandali lang. Nahawakan nanaman niya ako. This time, hinila na patabi sa kanya.

Tinakpan ko ng bibig ko. Naninigurado lang.

"Girlfriend kita, boyfriend mo ako. Walang mali doon," aniya.

"Ulol! Kunwarian lang 'yon gago! Dalang-dala ka naman."

Nasa bewang ko nanaman pala ang kamay niya. Pinipisil-pisil niya ito. Puta! Nagtatayuan ang balahibo ko!

"Pwede bang totohanan na. Tatanungin kita ulit. Dem... pwede ba kita maging girlfriend? Iyong totohanan..."

Kung iba ang taong nagsasabi niyon, wala pang isang segundo ay nabara ko na. Pinaliguan ko na ng pang-aalipusta. Kesyo hindi siya sasapat sa kagandahan ko. Pero hindi ito ibang tao. Si Chita 'to. Ang Ma ko. Si Chita na walang kasalanan...charot.

Totohanan ba kamo? "Ayaw mo ng plastikan? Plastik naman ako."

Umiling siya. "Kahit ilang araw lang, hayaan mo akong patunayan sa 'yo na seryoso ako. Kahit ilang araw lang ay mahawakan ko ang kamay mo, mayakap ka at kung gusto mo, halikan pa. Totoong interesado na ako magka-girlfriend at ikaw ang pinipili ko."

"Puta! Ang malas ko pala at ako ang napili mo," tawa ko para mapagtakpan ang kaba. Hindi humihinahon ang dinadagang puso ko. Jusko. "Kung papayag ako, ilang araw mo lang talaga 'yan magagawa. Aalis ako, Chita..."

Nagtatanong ang mga mata niya. Wala akong nagawa kundi ikwento sa kanya ang buhay ko. Mula sa pag-iwan sa amin ni Papa para sumama sa Kano hanggang sa ako na lang mag-isa at namimera sa mga kriminal. Pati iyong plano kong pag-alis papunta sa Los Angeles kasi napatawad ko na si Papa. Kasalukuyan nang inaayos ni Pedro ang mga papeles ko.

"Gulat ka 'no? Kaya ayoko sa bakla dahil  boys love ang ugat ng pagkasira ng pamilya ko, ng buhay ko. Pero iba na ngayon e. Gusto mo pa rin ako maging girlfriend? Kahit na sinabunutan kita sa bar counter, hinulog sa hagdan at hinulog sa truck?"

"Oo naman. Tanggap ko lahat sa 'yo." Pinatong niya ang baba sa balikat ko. Ang kamay niyang nasa bewang ko ay lumipat sa likod. Para siyang may tini-trace roon. "Sorry... May mga peklat ka tuloy."

"Pakyu. Mababalik ba ng sorry mo ang kakinisan ng likod ko?" irap ko. Pinokus ko ang mga mata sa tv kahit wala akong ma-gets.

Mahina siyang humalakhak. "Ngumiti, sumimangot, magtaray at kahit magalit... takte. Ganda mo talaga."

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon