Special Chapter: AryKo

834 39 2
                                    

Nabura ang part na 'to at Demoness 21. ಠ_ಠ

Inulit ko. Ka-stress. (●__●)

3rd Person's POV

Sa kwentong ito, hindi lang si Cheche ang malandi. Pabebe pa si Cheche pero ang isang 'to, hardcore.

Meet Sarika R. Probadora. Anak ng Japayuki na nabuntis ng Pinoy sa Japan pero hindi pinanagutan. Pangarap pa naman ng kanyang ina na makasilo ng mayamang Hapon pero olats ang beauty. Bilang frustrated na ina, pang-Haponesa ang binigay na pangalan sa kanya. Lumaki tuloy na nagpapaka-Haponesa si Sarika.

Sa Pamplona siya isinilang at lumaki, probinsyana since birth, pero walang makakapigil sa pagpapaganda niya. Grade 1 pa lang ay nagli-lipstick na ang babaita. Ginagaya ang kanyang ina na singer lang daw sa Japan. Bata pa lang, nakakapukaw na siya ng mata. At isa sa naduling ang payat, lampa pero matalinong kaeskwela.

Meet Michael Angelo S. Ilagan. Miko na lang kasi ang korni ng full name. Mabait na bata. Tahimik sa klase. Hindi pasaway sa bahay. Tampulan ng bully ng mga kababata. Paanong hindi siya pag-iinitan? Maputi kaya kinaiinggitan at malamya sa pagsasalita at kilos. Good target para paiyakin.

Pero matibay ang batang si Miko. Hindi papatalo. Mapipikon ang mga nambu-bully dahil wala siyang reaksyon sa mga pang-aasar nito. Bingi kasi siya. Pero syempre joke lang iyon. Wala lang talaga siyang pakialam.

Kung sa Pabebe Girls ay walang makakapigil, kay Miko naman ay walang makakapagpaiyak. Snob kasi talaga siya.

Naging magkaklase ang batang si Sarika at Miko noong grade 1. Ang snob na si Miko, hindi kinaya ang pulang labi ni Sarika. Pansin na pansin niya ito. Hindi niya ma-snob ang batang parang matanda na umasta. Nagpapakalider pa ito sa kanilang klase. Mahilig mag-utos. Pero hindi siya inuutusan.

Parang bulateng binudburan ng asin si Sarika kapag nahuhuling tinitignan siya ni Miko. Ang batang nagmukha nang Haponesa dahil sa mga padalang damit ng ina at paglalagay ng kolorete sa mukha, kumekerengkeng na.

Si Miko lang ang nakikitaan niya ng ugaling babagay sa kanya. Sabi kasi ng kanyang ina, dapat gwapo at tahimik na lalaki ang gustuhin niya. Nakakakilig daw kasi kapag umibig sila.

Si Sarika, isa talagang tunay na feeling Haponesa. Uso sa mga anime ang magko-confess ang babae sa lalaki at ganoon nga ang ginawa niya!

"Mikooooo! Gusto kitaaaaaaaa!" sigaw ni Sarika sa itaas ng burol.

Napatakip ng tenga ang mga bata sa matinis na boses ni Sarika. Naglalaro sila noon sa paanan ng burol pero likas na takaw pansin ang batang babae kaya may-pag-akyat sa burol pa.

Nagulat ang batang si Miko. Nagtataka. Nalilito. "Anong gagawin koooo?" balik-sigaw niya para madinig nito.

"Maging boyfriend kita at girlfriend mo akooo!" Ang linyang iyon ay kinabisado pa ni Sarika mula sa email ng kanyang ina.

"Pero eight years old pa lang tayooo!"

Walong taong gulang nang unang ma-brokenhearted si Sarika. Pinilit pa niyang umiyak dahil sabi ng mama niya, umiiyak ang mga nari-reject.

Naging malapit ang dalawa. Hindi matatawag na bestfriend dahil isang Jolo Oliver Tuazon ang bestfriend ni Miko. May mga pagkakataong naiinis si Sarika kay Jolo dahil madalas silang magkasama. Palibhasa, walang ibang nilalapitan si Jolo. Ngunit nabubura ang pagkainis kapag nagtatagpo ang mata nila ni Miko. Ngingitian siya nito at ang saya nanaman ng buhay niya.

Nang tumuntong sila ng highschool, lumaki ang mundo nila, lalo na kay Sarika. Nagdadalaga na siya na hindi lang basta naduling ang mga lalaki kundi nabanlag na kakatingin sa kanya. Pakiramdam ni Sarika ay ang ganda-ganda niya dahil sa dami ng nagkakagusto. Nakisabay siya at kung sinu-sinong lalaki ang nakilala at nakabiruan.

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon