Demoness 9: The Boys... Boys for real?

1.3K 63 13
                                    

Dem's Note!

Tingin sa multimedia. Kung nagloloko ang multimedia, tingin sa picture sa baba. Wala pa sa sarili si Jolo kaya si Francis muna. Crush ko 'yang punyetang gagong 'yan. Hindi man siya ang pinaka-tang ina, tang ina pa rin niya.

Nakakaputang ina talaga ang kapogian niya 'di ba? Sarap sa mata! Kaya gustong-gusto ko siya agawin kay Chita. Ang tanong, magpapaagaw ba? :(

 Ang tanong, magpapaagaw ba? :(

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ge. Pabebeng pakyu to all! t(^.^ t )

********
Demoness 9: The Boys... Boys for real?

Miko's POV

"Miko..."

Nasa leeg ko ang mukha ni Francis kaya ramdam ko ang hininga niya. Nagsitayuan ang balahibo ko. Nakaka— tukso.

Hinawakan ko siya sa balikat at inayos ang pagkakaupo. Kagagaling lang namin sa bar at dahil sa paghihintay sa akin, nalasing siya kaka-order.

"Matulog ka na, Fran..."

Imbes na sumunod ay kinulit niya ako ng halik. Sunod-sunod sa pisngi, sandaling lumayo tapos sa labi naman.

Kyyaaaaahhhhhh!

"Tama na nga," sabi ko pero gustong-gusto ko. "Magpahinga ka na."

"Isang kiss muna?" pagpapa-cute niya.

Ang kulit ni Francis pero okay lang. At iyong kiss, sinong tatanggi sa kiss niya?!

Hinawakan pa niya ang pisngi ko saka unti-unting lumapit, lumapat ang labi niya sa labi ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hinawakan pa niya ang pisngi ko saka unti-unting lumapit, lumapat ang labi niya sa labi ko.

Eh ano ngayon kung nalalasahan ko ang alak? Mahal ko naman ang kahalikan kong ito.

Siya na ang humiwalay at syempre, napahagikhik ako sa kilig. Kahit lasing siya ay nagawa pa niya akong asarin sa ngiti niya.

"Sarap ko di ba?"

"Baliw!"

Kung anu-anong pagpupuri sa sarili pa ang nilitanya niya bago tuluyang antukin.

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon