Demoness 3: The RomCom Bus

1.9K 98 14
                                    

Demoness 3: The RomCom Bus

Mahal na araw ang hitsura ng dalawa kong kasama. Ang sarap iprusisyon ang mga mukha papunta sa huling hantungan nila. Diet ang pagkain nila, ako lamon. Gutom na gutom ako.

"'Di mo siya pwedeng maging boyfriend." Nakakagulat na biglang sabi ni Chaklita. Grabe, akala ko may bangkay na nagsalita.

"Bakit naman?" Binitawan ko muna ang mga kubyertos. Mandilim ang paningin ko, kutkutin ko pa ng kutsara ang mata ni Gwago. Ang sama tumingin, eh. Mas masama pa sa mukha ni Chaklita.

"Boyfriend ko na siya."

Tumaas ang kilay ko at napatawa. "Nonsense pero infairness nakakatawa ang joke mo, ha."

"'Di ako nagbibiro."

"Seryoso ka na niyan? Last mo na please, lalo kang pumapangit."

"Enough."

Napatingin kami ni Chaklita kay Gwago. Why so serious?

"Ang drama kasi ng buhay niyo. Lubayan ninyo na ako bago ko pa kayo pag-untugin dalawa."

"Seryoso ako, Dem. Boyfriend ko na si Francis." This time, tumayo na si Chaklita. Tumayo na rin ako.

"Anong ibig mong sabihin? Bakla kayong dalawa?"

"Hindi." Sabay pa nilang sabi.

"Ako ang bakla. Siya ang tunay na lalaki."

Putris na mga nilalang 'to!

Hinampas ko ang mesa. "Ipaliwanag ninyo ng maayos at tuloy-tuloy kung ayaw ninyong itarak ko sa puso niyo ang tinidor dito!"

"Bakla ako. Si Francis lalaki talaga siya at mahal niya ako." Mabilis na sabi ni Chaklita.

"Ows? mahal ka ba o ang pera mo?" Ngumisi ako. 'Wag ako. In english, don't me.

"Mayaman ako." Singit ni Gwago.

"Huwag mo siyang itulad sa 'yo, Dem."

Nag-init ang ulo ko. "Itulad sa akin? Tss. Oo, pera lang ang habol ko sa mga ex-boyfriends ko. Pero proud ako na never been touched. Kahit gaano pa sila kasama, nagagawa kong galangin nila ako. Eh, kayo? Makasigaw ka kanina tungkol sa kababuyan tapos ganito pala? Hah!" Pikon akong tumawa.

Diretso ang tingin sa akin ni Chaklita. "Mahal naman namin ang isa't isa. Hindi kami naggagamitan." Ang tibay!

"Edi kayo na ang mag-true love. Pero sa tingin mo ba mababago nun ang katotohanan? Tanggap kayo sa lipunan pero ang pamilya niyo, hindi niyo ba nasasaktan sa pagganyan? Tanggap ba kayo ng mga mahal niyo sa buhay?"

Napaupo si Chaklita sa upuan at humagulgol. Wow. Ang arte. Inalo naman kaagad siya ng boyfriend niyang pugo. Pinapalitan ko na ang gwago. I prefer pugo means punyetang gago.

"Makaalis na nga rito."

Mabilis akong lumabas sa chakang bahay. Habag naglalakad ay hindi mawala a isip ko ag komprontasyong iyon. Ang arte ni Chaklita. si Pugo naman, makaalo akala mo kung sinong chixx ang mahal niya.

Nakakainis! Bwiset na pugo iyan! Sa dami ng mamahalin, chakang bakla pa. Bakit 'di na lang ako? Dyosang demonyita. Bagay na bagay sa poging paminta.

Napapaitan ako. Hindi naman ako kumain nga ampalaya, ha. Pwe!

So, ano na? May kaibigan akong malalapitan pero kasama nasa apartment niya ang kanyang parents kaya hindi ako puwede roon. Iyong mga gamit ko lang ang iniwan ko pansamantala sa kanya. Ayokong magbaka sakali na i-welcome sko ng magulang niya. Makita lang ako ng nanay niya ay puputakan ako kaagad kesyo layuan ko ang anak niya dahil bad influence ako. Maingay akong napabuntong-hininga. Ayoko namang matulog sa kung saang tabi. Like, sa ganda kong ito? No choice na ako kundi umuwi sa bahay. Sa totoo kong bahay. Ang impyernong pinagmulan kademonyitahan ko.

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon