Demoness 17: Pa & Ma

972 56 6
                                    

Dem's Note!

Ang kinis ko. Ang sexy ko. Ang lakas ng dating ko.

Ang ganda ko talaga. Kapag nakita mo ako sa personal, kahit di ko asahan, maririnig ko ang linya mong how to be you po?

Sa mga nagmamahal sa akin, hindi ko kayo mahal. 'Wag kayong ano. Pero dahil plastic ako, paplastikin ko kayo.

Hello, mga beh! Heads up sa pakikipagplastikan sa real life, okay? You are bigger than reality. Hindi dahil mataba ka kundi dahil mas maganda ka kaysa sa tsismosa mong kapitbahay, kaklase mong memasabi, kaibigan mong pabebe at sa nakasabay mong feeling maganda sa biyahe. Huwag kang mabait dahil hindi ka naman talaga mabait. May binabagayan ang pampaplastik at kung hindi kailangan, benggahin mo ng kamalditahan.

Masaya magmaldita lalo na kung ang sasampolan ay taong hindi makatao ang ugali. Basta dapat makatarungan ang pagmamaldita mo para hindi ka ma-guilty. Huwag mong gagayahin ang pagmamaldita ko dahil hindi tayo magka-level. Demonyita ako 'di ba? Sinusubukan kong maging medyo-medyo hindi bad influence rito. Appreciate!

May nagsabi pa na hindi naman daw ako demonyita, praktikal lang. Maging praktikal tayong lahat sa buhay para hindi ma below below. Though, anumang adjectives ang idikit sa akin, general truth na ang kagandahan at kademonyitahan ko, okay?

Nampaplastik na pakyu to all!
t ('▽'t )

Osha, magbasa ka na ng update na pinaghirapan ng editor kong tamad.

0-0-0-0-0-0-0-0-0-0

Demoness 17: Pa & Ma

Dem's POV

"Seventeen, eighteen..." bilang ko sa ribbon at medal ni Chita simula kindergarten.

"Ilan kayo sa klase?" tanong ko. Kabigla-bigla naman kasing valedictorian ang chaka simula kinder. 'Yung valedictorian sa batch ko nung highschool, kamukha ni Jimmy Neutron pero ang energy ay parang si Spongebob.

Si Chita... mukhang patay, mukhang bangkay sa kaputlaan at kapayatan. Mukhang Frankenstein na pinurga. Sa mga naka-frame na picture ay tuwang-tuwa ang nanay niya at siya ay poker faced. Hitsurang jeje days.

Hindi ko inaalis ang posibilidad na baka kaya siya napasama sa honor roll dahil natakot sa nanay niya ang faculty. Na-imagine ko ang nanay ni Chita na nanlilisik ang mata sa PTA meetings.

"Thirty. Mula kinder ay magkakaklase kami hanggang highschool," aniya habang nagwawalis.

Kaya naman pala nag-excel siya. Siya ay malamya at mahinhing batang lalaki(akala ng lahat lalaki talaga) na inatupag ang pag-aaral nang mabuti.

Nandito kami sa kubo number 1 - sala. Ito ang bubungad pagkapasok sa bakuran. Ito ang pinakamalaking kubo na nagpi-feeling hotel lobby dahil may front desk pa. Sabi ni Chita ay pinagawa raw nila iyon para pagpraktisan niya ng Front Office Operation noong college.

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon