Demoness 7: The Broken And The Breaker

1.3K 74 10
                                    

DemxJolo na lang kaya?  #TeamKunwari
-------

Demoness 7: The Broken And The Breaker

Nagsibalik sila sa kanilang normal routine. Nakapag-adjust din sila sa presensya ng diyosang si ako. Dahil doon, tumahimik kami medyo. Tuwing nakikita ko si Francis at 'yung platypus na naglalampungan, doon lang ako nakukunsume.

Bartender si Chaklita. Nagtatrabaho siya tuwing gabi. Si Francis ay sa opisina nagtatrabaho. Hindi ko alam kung ano ang posisyon niya basta ang alam ko ay pagmamay-ari nila ang kompanya.

Tuwing araw ay si Jolo ang kasama ko. Ano pa nga ba? Natutulog sa kwarto niya si Chaks kaya kami lagi ang naiiwang magkasama.

"Anong plano?"

"Plano? Anong plano?"

"Nevermind."

Failed na iyong pagpapaselos ko kay Francis gamit si Jolo dahil haler, obvious na troll lang ang relationship namin. At saka hindi ko keri na ginagawa namin iyon at iniisip ni Jolo na para kay Chaklita ang pakikipagsabwatan ko sa kanya.

Lalaki lalo ang ulo ng bruhilda.

Ang dapat ko na lang isipin ay paano gagawing lalaki ang dalawang pota at iyong ladlad na bakla.

Nasa sala kami ni Jolo at nanonood ng noontime show. Napakaboring.

Noong mga halang ang kaluluwa pa ang nakakasalamuha ko ay nakakatuwa ang mga tanghali ko. Sosyal kasi ang headquarters nila. Pang-mayaman.

E itong bahay ni Chaklita, jusko, walang aircon! Nakatapat na sa akin 'yung electric fan pero mainit pa rin.

Sa totoo lang ay pwede naman akong bumalik sa dating gawi na manloko at mampera sa mga kriminal. Kaya lang naman ako natigil dati dahil sa sadistang Francis. Ugh. Tuwing naiisip ko ang una naming pagkikita ay nakakagago lang.

Isa pang dahilan kung bakit ako hindi bumabalik sa dati ay dahil itong pakikisama ko ng literal sa tatlong leche, as in sa isang bahay ay nakakapanibago. Sanay akong mag-isa at hindi ako makaalis dito dahil natutuwa ako. First time ko kasi. Nakakatuwa kahit nakakaimbyerna.

"Patabi. Ang init e." Tumabi sa akin si Jolo at naki-electric fan. Pawis na pawis ang loko. Namumula ang mukha niya sa init.

Dahil katabi ko siya, nanunuot sa ilong ko ang amoy niya. Shit! Amoy baby!

"Dem, date tayo."

Napakurap ako. Tama ba ang dinig ko?

Nilingon ko siya at nahuli kong nakatingin na sa akin. Ayan ulit iyong mga chinito niyang mata na seryoso at parang nanghihigop.

Ngumiti ako ng malapad. Halos mapapikit na ako sa pag-stretch ng pisngi pero naaninag ko pa rin ang mukha niya kaya nasampal ko. "Lalaki ka na ulit?! Sabi na e, crush mo 'ko! Ako lang pala ang magpapatiwalag sa 'yo!"

Tuwang-tuwa ako dahil nag-iisip pa lang ako ng plano kung paano ko maisasakatuparan na gawin silang lalaki tapos bumigay na itong isa.

Ang ganda ko talaga.

"Anong sinasabi mo?" taka niya. "Kapag nalaman ni Mikmik na ginawa natin iyong ginagawa namin dati, magseselos iyon."

Iyong hitsura ni Jolo ngayon, parang batang nanghahamon at sigurado na siya ang mananalo. Sa palagay niya talaga ay maaapektuhan ang chakang baklita sa pakulo niya.

Nakakaawa ang poging pamintang ito.

"Sige, date tayo, pasayahin mo ako. Nang may silbi naman 'yang katangahan mo."

------

"Ayoko nga! Gago ka! Bahala ka diyan!"

Pilit akong hinihila ni Jolo pasakay sa carousel. Tang ina talaga nito. Pinagtitinginan na kami ng mg tao dahil sa ginagawa niya.

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon