Demoness 33: ICYMI

858 43 17
                                    

My most favorite Korean girl from my favorite girls at the multimedia! Jiyeon as Dem Orteza! 

Aylabyuuu, Jiyeonnnnnnnn! 

Demoness 33: ICYMI

Dem's POV

Sinasamahan ko na lang si Francis dahil nakakaawa. Sa tuwing nakikita ko siyang nakatingin habang papalapit ako, ulilang-ulila ang dating niya. Shit lang, ang sarap ipaampon sa matrona.

"Good evening." Tumayo siya habang pinaghila ako ng upuan ng waiter. "Um-order na ako."

"Good." Nasa Victorino's kami para mag-dinner. Every friday night ay ginagawa namin ito, depende na lang kung siya ang hindi puwede. Wala akong klase kinabukasan kaya okay lang.

Two years ago, akala ko settled na silang mga animal sa buhay ko. Si Pedro, kay Meari. Si Jolo na resident chef na sa Meranti Hotel(hindi ko inakalang henyo pala siya sa pagluluto), ay kay Cheche. At si Francis na ikakasal. Ayun nga, hindi natuloy ang kasal. Nakumbinse ng babae, ni Lydia, ang magulang niya na huwag siyang ipakasal. Okay na iyong hindi ikasal si Francis e. Ang dami niyang pwedeng i-date sa industry. Pero parang ewan lang dahil sikretong naging sila ni Lydia. Ang masama pa, naiwan sa ere si Francis dahil ang putang Lydia ay nagpakasal naman sa sunod na in-arranged marriage sa kanya.

Nakilala ko si Lydia. Naging kaplastikan ko siya. At sa ginawa niya kay Francis, dalawang hila ko na lang sana sa buhok ay nagkapoknat na siya. Hindi natuloy dahil pinigilan ako ni Francis. Putang ina lang. Nainis ako. Nainis ako dahil binasura ni Lydia ang first love ko. Sinaktan niya ang kaibigan kong pinagnanasan ng mga co-models ko at ng production staffs ng Lameka Laine Clothing Line.

Ako pa ang sinabihang mag-move on ni Francis. Hayaan na raw si Lydia. Nasampolan ko tuloy ng headbutt.

Nagsimula kaming kumain habang pinag-uusapan ang pangarap niya para sa akin. Ang sweet lang, ang sarap itapon dahil hindi na ako mahilig sa matamis.

"So, hihintayin ko pang grumaduate ka bago tumanggap ng modelling at commercial offers?"

"Oo. Aral muna bago rampa."

"Ang swerte mo kaya. Pag-isipan mong mabuti. Mas marami kang kikitain."

"Napapaaral at nabubuhay na ako ng Lameka Laine. Pwede na iyon." Nagkibit-balikat siya at tumuloy sa pagkain.

"Siyanga pala, si Miko---"

Nakagat ko ang dila putang ina! "Let's not talk about this."

Tumawa siya. "Ganda mo raw."

"Since birth pa," irap ko.

"Mas maganda ka raw sa personal kaysa sa brochures."

"Ano?!" Nanunukso ang tingin ni Francis. "Pinapadalhan ko siya ng kopya bawat brochures na meron kang picture. Syempre, para lalo siyang matigang sa Singapore. Tuwang-tuwa nga ang loko nung makita ka."

Fine dining restaurant ito kaya hindi ako pwedeng mag ogre mode. "Sa labas. Ngayon na."

Naglakad lang ako ng konti palayo sa Victorino's saka sinampal ang bibig ni Francis. "Manyak ka talagang gago ka!" Nasa gitna ako sa paghigit sa kwelyo niya nang ma-headbutt ko siya, pero biglang may humila sa akin.

"Ang lapit niyo na. Nagseselos na 'ko." Boses pa lang ay dinayo na ng nagta-tantrums na mga biik ang dibdib ko. Katayin ang mga ito ngayon na!

"Miko..."

Hinila niya ako sa tabi niya saka hinarap si Francis. "Ako nang bahala sa girlfriend ko." 

Tumingin ako sa paligid. "Nasa'n girlfriend mo?"

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon