Demoness 14: Sunset Ride

1K 52 4
                                    

Sorry for the long wait.

Demoness 14: Sunset Ride

Dem's POV

Ang sarap ng hangin. Sakay kami ng pick up truck at napaka-refreshing ng lugar na ito - ang Pamplona. Napapaligiran ng bundok ang paligid. Mayroon ding mga sapa at lagpas niyon ay malawak na palayan. Ang ganda pa tignan ng papalubog na araw at ang kulay na nire-reflect nito sa mga ulap.

"Woohoo!" Tumayo ako at tinaas ang kamay. Nakakamiss 'yung ganitong sinasalubong ko ang hangin. Parang nung pagmo-motor ko dati.

Dumaan kami sa tinatawag nilang Bayan at ang daming nasilaw sa kagandahan ko. Ako pa ba?

Panay ang bati ng mga tao kay Jolo at Chita. Sila na ang kilala ng lahat! Natanong din silang dalawa kung sino raw ako (na kasama nilang maganda), hindi sila nagtangkang sagutin. Nginitian na lang nila ang nagtatanong niyon.

Subukan nilang sumagot tulad ng sagot nila kanina sa harap ng mga babae. Sasamain sila ng malala sa akin.

Ano na kayang nangyari sa mga babae kanina? 'Pag may time aalamin ko ang contact number ng punerarya rito. Para sa susunod ay idiretso na sila sa morgue. Tutal patay na patay naman sila sa dalawa kong kasama.

Hindi ako na-inform na sikat at habulin pala sila rito ng mga babae. Like, hindi sila lalaking ginugusto sa paningin ko kasi mas babae pa sila sa akin. Walang mga alam ang nagkakagusto sa kanila. Tatawanan ko sana sila dahil ang papangit ng mga admirer nila pero pinadilim nila ang paningin ko.

Sinong matutuwang ideklara ni Jolo na girlfriend niya ako sa maraming tao?! At si Chita, inagaw pa ako sa kanya!

Naknamputa lang. Ayokong i-public display ang relasyon namin ni Jolo kahit pa fake lang iyon. At sukang-suka ako sa sinabi ni Chita na girlfriend niya ako at si Jolo ang single. Kapal ng mukha! Ang pangit niya at ang kagandahan ko pa ang ginamit! Nakakabastos!

In-enjoy ko ang biyahe hanggang huminto ito.

"Casa de Maria," basa ko sa nakaukit sa gate. "Dito na ba 'yun?"

"Oo," sagot ni Jolo.

"Halika dito, alalayan mo 'ko." Alalayan pero ang totoo'y pinadapa ko siya saka ako tumapak para makababa sa truck.

Nakatayo na ako sa harap ng gate pero hindi ko matanaw ang bahay. Malawak na bakuran at medyo malayong lakaran pa siguro. Dito raw ang bahay ni Jolo at malamang dito ako titira dahil fake girlfriend niya ako. Hindi pwedeng doon ako sasama sa gagong Chita. Gulo ng taon iyon.

Nilingon ko sila at binababa na nila ang gamit ni Jolo. Gamit lang ni Jolo. Magsasalita na sana ako pero natigilan ako dahil sa imahe ni Chita. Nakakapanibago.

Bakit, bakit mukha siyang tomboy? Anyare sa kabaklaan niya? Natulog? Nagtago?

Puta. Lalaki kumilos si Chita! As in! Walang pagkembot ng bewang, pagpilantik ng kamay at hindi nakakibot ang labi niyang nagfi-feeling kissable. Iyong pagbubuhat niya sa maleta, nag-flex ang braso niya. Hala, tang ina, ano ito? Namamalik-mata lang ba ako? Bakla siya—

"Dem, 'lika, sakay ka na ulit," tawag ni Jolo.

"Huh? Bakit pa ako sasakay? 'Di ba dito na?"

"Dito na nga ang bahay namin pero hindi ka rito mag-i-stay. Bawal ka kasi conservative kami ng pamilya ko. Virgin pa ako. Sana galangin mo," tumango-tango pa siya as if nangangailangan talaga ng respeto.

Sinapak ko siya. "Gago! Edi saan ako titira? Isasama ako rito at papabayaan? Anong kapunyetahan 'yan?!" Damang-dama ko na talaga magwala. Isa na lang!

"Maghunos-dili ka, Dem!" tarantang awat ni Jolo. Si Manong driver ng truck ay nasamid pa sa pagkaeskandalo.

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon