Demoness 34: I Love View

982 40 11
                                    

Dem's note!

Tingin sa multimedia. Meet Meari De Castro, ang cute n asawa ni Pedro. Sobrang cute na ang sarap ibalot at iregalo.

Nakaliyad na pakyu to all! t -.- t

Demoness 34: I Love View

Dem's POV

Pakialam ko naman kay Miko at sa trabaho niya? Wala.

"Dem, bilis! It's walwal time!" Napa-facepalm na lang ako sa paglilikot ni Cheche kahit nasa labas pa lang kami ng Oblivion lounge and bar.

"Che, 'wag ka nga magtalon-talon. Nakapalda ka pa naman ng maikli," saway ni Jolo.

"Heh! Mauna na ako sa loob sunod na lang kayo!"

"Pinabayaan mo 'yong girlfriend mo. Parang babaeng pakawala. Ayusin mo pagkatao nun," sabi ko kay Jolo.

Nangamot siya. "Kaya nga ako nag one week leave para masamahan si Che. Nagtatampo nanaman iyon sa akin kaya ganun umasta. Papansin."

Nakikita kong bagay sila dati dahil parehong madrama pero nang nasaksihan ko silang magkasama, hindi sila bagay. Ako lang siguro 'to pero mukhang magkakasakitan lang sila. Kahit pa tumagal na sila ng dalawang taon at okay naman, parang mali talaga.

"Hoy, Jolo, umamin ka nga, seryoso ka ba talaga kay Cheche? Mahal mo ba talaga siya kahit epitome siya ng kagagahan?"

Kilala ko 'to si Jolo. Kahit lumaki na ang katawan niya at natutong tumahimik kapag hindi hinihingi ang opinyon niya, siya pa rin ang Jolo na hindi marunong magsinungaling.

"Seryoso ako! Hindi ako marunong magjoke sa kahit anong bagay alam mo 'yan. Mahal ko? Medyo hindi na..."

Sabi na. "Pumasok na nga tayo!"

Sa bar counter kami dumiretso. Papalapit pa lang kami ay ngiting-ngiti na si Miko. Mahiya siya sa poker face ko.

"Happy birthday!" bati ni Jolo sa kanya. "25 ka na!"

"Salamat," tugon ni Miko tapos baling agad ang tingin sa akin.

"Hbd," bati ko.

Tumawa siya."Cute mo talaga."

"Ako pa."

Umalis si Jolo para hanapin si Cheche.Naiwan ako kay Miko. May ibang customers naman kaya iyon ang inaasikaso niya. Hindi iyong nakatitig lang siya sa akin. Tang ina niya.

Tumungga ako ng JD. Sarap!

Kahit pa college week namin, ibig sabihin ay walang klase kundi puro activities lang, wala sa balak ko ang pumunta rito sa trabaho ni Miko. Sakto pang birthday niya pala. August 20. Puta, hindi sa tinatandaan ko ang araw na 'to, hindi ko lang talaga nakakaligtaan tumingin sa kalendaryo. Teka, bakit parang may pinaglalaban ako? Wala!

"Buti nakarating ka."

"Bl-in-ackmail ako e."

"Anong pinang-blackmail?" paglingon ko ay nagpipigil siya ng tawa.

"Puta ka." At tuluyan na siyang natawa.

Tang ina kasi ni Cheche. Napagkatuwaan naming gumawa ng parody ng "Nung ako'y bata pa". Siya si Bilog at ako si Bunak. Akala ko okay lang pero puta, nung hinampas niya ako sa pisngi, na-feel ko 'yong naramdaman ni Bunak. Nasuntok ang ngipin ko!

"Putang ina mo, Cheche! Ang lakas gago! Talikod at susuntukin din kita ng hard!"

"Cute n'yo nga e. Caught on cam pa ang paghahabulan n'yo," aniya na tuloy pa rin sa pagtawa. Hala ka siya.Can't move on ang animal.

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon