Demoness 16: Operation: Ruler

928 48 12
                                    

Demoness 16: Operation: Ruler

Dem's POV

Gwapong-gwapo naman ang madla sa boyfriend ko. Bati rito, bati roon. Bentang-benta na lang din naman siya, ibebenta ko siya kapag naubos na ang pasensya ko. Pwedeng wholesome o hindi wholesome.

Maganda ako, makinis at matangkad para sa isang babae at bentang-benta rin ako. Though hindi ko ibebenta ang sarili. Hanggang tingin lang ang mga normal sa dyosa -- e dyosa ako? So...

"Miko! Long time no see!" ani ng babaeng pwede na ang hitsura. Tao na, hawig ng kutis ko. Tumatakbo siya papunta sa amin at parang nag-slow motion.

"Ary!" balik bati naman ni Chita.

Nagtatakang tumingin sa akin ang babae. "Girlfriend mo, Miko?"

Mukhang siyang anime character.

"Ah, oo e." Nangamot pa siya ng ulo. "Dem ang pangalan niya. Dem, si Ary, kaibigan ko."

Puta ang baklitang 'to. Nahiya pa siyang ipakilala akong girlfriend. Siya pa lugi? Siya pa?!

"Konnichiwa, Dem-chan!"

Hala! Mukha talaga siyang anime! Naka-make up siya kaya cosplayer ang dating kahit casual lang ang suot niya. Feeling close nga lang. Aagawan pa ako sa trono ng pagiging babaeng bida-bida.

"Hello," malamig kong sabi. #MedyoSnob.

"May pupuntahan pa yata kayo. Sige, una na 'ko. Dem-chan, please take care of Miko-kun!" ngiti niya.

Nagba-bounce ang buhok niya nung tumakbo siya. Wow, I like that girl. Kahit ang weird ng pagsasalita niya.

Pagtingin ko kay Chita ay nakatulala siyang nakatingin sa tinakbuhan nung babae.

Kinalabit ko siya. "Huy, ano? Naiinggit ka kasi pretty siya? Mas mainggit ka sa akin kasi mas maganda ako."

Sumimangot siya at hinila ako. "Tara na nga."

Tipikal na food district ito na probinsya style. Maraming paninda at maraming tao pero ang ambiance ay pang the hills are alive. Simple. Ang theme yata nila ay outdoor casa. Walang ganon pero meron na, ito, pinapauso nila.

"Siya 'yung babae 'di ba? Totoo ngang may girlpren na si Miko," sabi ng babaeng mukhang tilapia sa kasama niyang mukhang tambakol.

Nalagpasan na namin ang palengke at may nakasalubong pa kaming mga isda. Ano ba 'yan!

"Kailangan malaman 'to ng Division!" At mabilis silang tumakbo.

"Kilala mo 'yun?" tanong ko kay Chita.

Umiling siya.

"Crush ka?" nandidiri kong sabi. "Ang papangit na nga nila tapos pati gusto nila, pangit din? Qouta amputa!"

Pasimple siyang umirap. "Kaysa manlait ka, pumili ka na kaya ng kakainin mo? Kanina pa tayo paikot-ikot."

Alas cuatro na ng hapon at niyaya ko si Chita na samahan akong maghanap ng pagkain. Not so me ang pag-approach ko sa chakang baklita at pagiging kalmado ko sa kanya. Maski siya ay hindi makapaniwala at inakala pang mamamatay na ako.

Isipin mo, galit na galit ako kay Chita at labag pa sa loob ko ang pagiging girlfriend niya pero... uso naman magbago ng isip 'di ba?

Iyong nanay niyang mukha pa ring mangkukulam kahit ngiting-ngiti ay natuwa naman. Kitang-kita raw niya ang pag-ibig na bumabalot sa amin ng anak niya. Nanahimik lang ako pero ang loob ko, nangagalaiti na sa pagmumura. Tang ina, anong pag-ibig ang nakikita niya? Bruha talaga.

Nangangamoy gulo si Chita at ang nanay niya ay nangangamoy krimen. Instinct? Demonyita instinct? Masama rin ugali ko kaya obvious siya sa akin 'no. Kahit si Chita, ilag sa kanya.

Mas lumapit ako kay Chita. Nagkadikit ang balat namin at amba siyang lalayo pero nahawakan ko siya. Kumapit ako sa braso niya. Infairness, matigas, ang lakas maka-lalaki!

"D-Dem, ano ba? Lumayo ka nga ng konti..."

"Ayoko! Girlfriend mo ako, boyfriend kita. Let's get it on!"

Kabaklaan niya kaya nag-inarte pa. Sinuyo-suyo ko pa siya nung una.

"Naalala mo 'yung nakamaskara sa bar na sinabing bagay tayo?" Nasamid siya at umubo. "Kadiri 'di ba? Pero baka totoo. Bagay tayo kasi maganda ako, pangit ka -balance-parang Yin at Yang." Tumango-tango ako sa kuntentong eksplanasyon.

"Ano ba 'yang iniisip mo? Kunwarian lang 'to. Hindi kailangan ng affection." Pinatong niya ang palad sa mukha ko at tinulak. Napabitaw ako sa kanya at na-out of balance.

Puta! Ang matangos kong ilong! Braso lang niya ang hinawakan ko at siya ay buong mukha ko gamit ang kamay niyang marumi! He dared!

"Tang ina mo, 'wag kang choosy, 'wag kang maarte dahil hindi ka babae! Hinahawakan ka ng kadyosahan ko. Behave and be honor!" Muli akong kumapit sa kanya, mas mahigpit.

Hindi kita papakawalan. Hindi lang ito ang gagawin natin. Gagawin kitang lalaki, Mi- tse! Hindi ko kaya bigkasin!

"Bumili na nga tayo! Ano bang nagustuhan mo?" naiirita niyang sabi.

"Hmm, ikaw na pumili. I'll let you decide for now, boyfriend."

Ngumiti ako ng pang-selfie habang siya'y mukhang nanonood ng horror movie.

---

Iniisip ko si Chita. Hindi ako pinapatulog ng chararat. Kanina pa ako paikot-ikot sa higaan pero ang pagka-bother ko ay steady.

Ngayong araw, October 10, opisyal, legal, trueness nang kami ni Chita.

Putang ina! Simula na rin ng pinakamatinding challenge sa buhay ko- Operation: Ruler o Operation: Gawing Straight na Lalaki ang Chakang Baklita.

Hindi pa naman ako nahihibang para suyuin ang most hateful person ko nang dahil change of heart na. Sus naman! Hate ko pa rin siya pero itatago ko muna.

Napag-isip-isip kong panibagong hassle nanaman kapag nagpaka me-against-the-world ako. Nandito ako sa Pamplona para kumalma ang buhay at malayo sa panganib sa Maynila. Kapag kinontra ko ang kalokohan nila rito, matatalo ako. Kaya mag go with the flow na lang ako at gawin itong advantage.

Walang makakahadlang sa pagtupad ko sa goal na kapag namatay sina Chita, Jologs at Pugo ay itataga ko sa lapida nila na nagawa ko silang lalaki ulit. Lalaki sa isip, sa salita at sa gawa. Ganon!

At ang kalokohan at kamalasang ito ay blessing in disguise. Perfect timing para gawing straight as ruler ang ladlad na bakla! Dispatsa na si Jolo, walang Francis at dito ay bawal siyang rumampa.

Ayokong tignan ang sarili sa salamin. Pakiramdam ko'y nakalabas ang sungay ko at sinisira niyon ang hairstyle ko. At ang labi ko ay sobrang nakaunat na feeling ko kamukha ko si Joker. Duh, mas maganda nga ako kaysa kay Harley Quinn.

Inisip ko ulit si Chita. Dito sa Pamplona, napansin kong hindi niya dala ang mga fit niyang sando at shirt. Pati jersey shorts niyang pambabae. Nag-i-effort siyang magpaka-lalaki kaya ang dapat kong gawin ay sabayan at bagayan iyon.

Umaasa ako. Ngayong pinaplano ko pa lang, umaasa na ako. Hindi ako malandi kaya wala akong balak na pa-inlove-in silang tatlo sa akin(hindi ko sadya kung ma-inlove sila ng kusa!)... noon. Si Francis lang sana ang exempted doon kasi crush ko siya pero iba na ngayon.

No matter what it takes, no matter what at stake, Chita will fall in love with me.

English pa 'yan para kabog!

aningness

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon