Demoness 36: Not A Blockbuster

834 36 7
                                    

Demoness 36: Not A Blockbuster

Aamin na ako.

Hindi ko habambuhay matatago ang natatanging pangit sa pagkatao ko. Demonyita ako. Kinalakihan at pinanindigan ko na ang taguring iyon. Hindi man ako literal na galing sa impyerno, demonyita ang adjective na bagay sa akin. Dyosang Demonyita to be precise.

Kapag nagsinungaling ako---iyong great deal---hindi ako umaamin. Pero kailangan kong gawin ngayon.

"Bakit ka nakatulala diyan? Merry Christmas, anak!" yakap sa akin ni Papa.

"Merry Christmas, Papa!" Nandito kami sa Ia Mansion. Mula noong fashion show ay dito na nag-stay si Papa at Tito John hanggang ngayong Christmas Eve. Kasama namin sa selebrasyon ang mga kapitbahay namin. Sagot ni Papa lahat ng gastos.

"Pa..." tawag ko.

"Ano 'yon, Dem?"

"Pa, para akong gaga. Nasa Pamplona si Miko para magpasko kasama ang nanay niya pero tang ina, namimiss ko na siya kahit kahapon lang siya umalis. Tapos wala pang tawag kasi baka walang signal doon. Saka, Pa, christmas break pero ang dami kong subject requirements na gagawin. Putang ina. Para na akong kagandahan na tinubuan ng stress. Iyan," tinuro ko ang mga inimbitahan ni Papa na nasa garden. Nasa balkonahe kasi kami ng ikalawang palapag, "Walang problema sa matatanda pero 'yong mga teenager, puta, pda at it's finest. Nakakainis!"

Huminga ako na malalim. "Pero isa lang talaga ang gusto kong palabasin. Papa, hindi ako mabait. Palamura ako at sadista. Hindi na ako ang batang Demetria na iniwan mo noon. Kung totoo nga po na nililista ni San Pedro ang mga kasalanan, mas matangkad pa ang listahan ko kaysa sa pinakamatangkad na tao sa mundo. Partida calibri size 12 lang ang font."

...

Katahimikan.

"Anak... alam ko naman. Ganyan na ganyan din magsalita ang mama mo dati. Saka, anak kita, sa mga mata mo pa lang alam ko na ang tumatakbo sa isip mo."

Nag-angat ako ng tingin, hindi makapaniwala. "Hindi ka galit, Pa?"

"Hindi. Proud na proud ako sa 'yo dahil lumaki kang malakas na babae. Kahit ano pang ugali mo, tanggap at mahal kita," ngiti ni Papa.

Napangiti ako. Kinilig. Tang ina this. Fuck everything kapag ganitong kinilig ka sa saya dahil sa sinabi ng tatay mo. Wala na akong sikreto ngayon kahit kanino. Sa tuwing nasestress ako sa school works, may pang-cheer na ako sa sarili:

Mahal ako ng tatay ko!

---------------------------

Ganon naman. Kapag walang paramdam o malayo si Miko, pinag-o-overnight ko si Cheche sa unit ko. Hindi ko alam kung naamin ko na ba sa sarili ko pero para sigurado, inaamin ko na na nami-miss ko agad si Miko.

Umuwi na sina Papa sa Los Angeles. Doon na sila magba-bagong taon. May buhay rin naman sila roon. Hindi pwedeng dito lagi.

"Dem, sa tingin mo si Miko na ang soulmate mo?"

"Soulmate? Ano 'yon?"

"True love! 'Yong destined sa 'yo. 'Yong ka-forever mo."

"Gabing-gabi na at kung anu-anong kakornihan pa ang pinagsasabi mo. Lasing ka na ata."

Humiga si Cheche sa carpet. Tinamaan na nga ata sa cocktail. "Buti ka pa nakita mo na soulmate mo."

Niligpit ko ang mga alak at juice na ginamit ko para makagawa ng cocktail. Hiniram ko kasi ang notes ni Miko sa bartending. Hindi na ako palainom. Still, seven spirits is life.

Pagbalik ko sa sala ay parang baliw na nakatulala si Cheche. "Babae, lumipat ka na sa kwarto."

Ngumuso siya. "Dem, anong nararamdaman mo kapag kasama si Miko na soulmate mo? Kasi... ang daming beses na, ilang lalaki na ang inakala kong soulmate ko tapos ayun, fail lahat."

Dyosang Demonyita At Mga Poging PamintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon