Prologue

1K 15 0
                                    

Prologue

"Ander! Gumising kana! Aba, ang himbing ng tulog mo ah? Parang walang pasok, beh?"

Binato ko ng unan ang nakababata kong kapatid na lalaki para gisingin. Alas otso pa naman ang klase naming dalawa at alas sais palang naman pero alam ko kasing matutulala pa siya ng ilang minuto sa banyo bago tuluyang maligo kaya mas mabuti nang sigurado.

"Ugh! Ate, stop it!" inis niyang ani kahit antok na antok pa.

Kita mo 'to, e-ni-english pa ako. Hindi naman bagay sa 'min mag-english kasi hindi naman kami mayaman. Sa school kasi ay lahat mayayaman at madalas nag-e-english ang mga estudyante, lalo na sa mga guro.

Gwapo ang kapatid ko. Maraming nagkakandarapa sa kan'ya sa school. Kahit pa alam nilang lahat na playboy ang isang 'to ay nagbu-bulag-bulagan sila. Halos hindi ko na mabilang ang mga babaeng napaiyak ng isang 'to, e. 'Yong iba nga pumupunta dito sa bahay para lang magmakaawa sa kapatid ko na maging sila.

Isang taon lang ang agwat namin ng kapatid ko. Sa totoo lang, hindi talaga kami magkapatid sa dugo. Ampon lang ako nila Papa at Mama. Noon kasi, sabi ng doctor sa kanila na hindi raw mabubuntis si Mama at hindi ko alam kung bakit, hindi naman nabanggit. Tanggap ni Mama at Papa na hindi sila magkaka-anak kaya naisip nalang nila na mag-ampon, and that's me. Hindi nila ako ti-nrato na ampon. They treated and love me like their own daughter.

Pero sa hindi nila inaasahan. Nabuntis si Mama. And that's Ander. They were so devastated but at the same time, they were so happy. Nagpa-check up sila sa Doctor at sinabing delikado ang pagbubuntis ni Mama at kung manganganak man siya ay nasa dalawa lang ang mangyayari, mamamatay si Mama pagkatapos manganak at mabubuhay ang bata. O mamamatay ang bata at mabubuhay si Mama. But luckily, though, they both safe and healthy. Laking pasasalamat nila kay God.

Siguro ay biniyayaan lang talaga sila ng isang totoong anak dahil simula noon ay hindi na ulit nabuntis si Mama. Pero ayos na sa kanila na kami lang dalawa ni Ander. Kuntento na sila sa 'min.

By the way, Ander knows about it and he still treated me like his blood-related-sister. Kita mo, napa-english na rin ako.

Nakapamewang ko siyang tinignan. "Ano? Babangon ka d'yan o bubuhusan kita ng malamig na tubig?" tinaasan ko siya ng kilay.

Agad siyang bumangon at tinignan ako ng masama kahit gustong-gusto pang pumikit ng mga mata niya. Ningisihan ko siya dahil sa itsura niya. Padabog siyang tumayo at inirapan ako bago naglakad patungo sa pinto ng kwarto niya. Kinuha niya ang tuwalya niya sa likod ng pinto ng kwarto niya at lumabas. Napailing nalang ako dahil padabog niyang isinara ang pinto.

Lumabas na ako ng kwarto niya at pumunta sa kusina para tulungan si Mama na ihanda ang agahan namin. Hindi naman masyadong malaki ang bahay namin at simple lang. May tatlong hindi masyadong maliit na kwarto, kusina, maliit na sala at banyo.

"Good morning, Pa!" bati ko kay Papa at hinalikan siya sa pisngi.

Nakasuot na si Papa ng uniform niya sa trabaho. Isa siyang elementary teacher sa isang public school na malapit sa amin kung saan kami nag-aaral ni Ander noon.

"Magandang umaga, anak. Si Ander?" tanong niya at umupo sa hapag. Naglapag naman si Mama ng kape niya sa harap niya. "Thanks, hon." ngiti niya kay Mama.

"Naliligo pa po, Pa."

Pagkatapos maligo at magbihis ni Ander ay nagsimula na kaming mag-agahan. Nang matapos kami ay ako naman ang naligo habang si Ander ay nauna ng pumunta sa school at si Papa naman ay umalis na rin.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng uniporme. Maganda ang uniform ng school namin. Parang uniform ng mga bampira sa school tulad ng nababasa ko sa mga libro. White dress shirt na naka-tuck in sa palda, red neck tie, black blazer and black above the knee skirt paired with white below the knee sock and black shoes.

To Win My Heart (Salvatore Series #1)Where stories live. Discover now