Chapter 4

235 4 0
                                    

Chapter 4

"AC, ano bang nangyari sa 'yo? Bakit ayaw mong magsalita?"

Kanina pa nangungulit sa 'kin si Sam dahil pagkapasok ko palang ng classroom ay agad kong sinubsob ang mukha ko sa table. Hindi parin ako maka get over sa hiya sa nangyari. Mason tried to help me kanina but I refused to hold his hand at tumayo lang ako mag isa bago nagpatuloy sa pagtakbo.

Gusto kong maiyak sa sobrang hiya! Panira naman kasi yung malakas na hangin na 'yon! At bakit ba hindi ako nakapagsuot ng cycling short?! Nakakainis naman!

Pagkarating ko nang classroom ay tinanong agad ako ni Sam kung anong nangyari sa 'kin. Akala niya may lagnat ako pero nilapat niya ang likod ng palad niya sa leeg ko pero hindi naman daw ako mainit kaya tanong siya ng tanong kung anong nangyari sa 'kin pero ni isa ay wala akong sinagot sa kan'ya.

"Okay, class. Good morning."

Umayos na ako ng upo nang marinig ko ang professor namin sa harap. Nilingon ko si Sam na nakatingin parin sa 'kin at umiling na lamang sa kan'ya. Hindi na rin naman siya nakapagtanog dahil nagsimula agad ang klase.

"So, class, bago ang lahat ay may bago kayong classmate. She's a transferee from..." patuloy sa pagdadaldal ng professor.

Nakatingin lang ako sa katabi niyang babae. Mas matangkad pa ata sa 'kin. She's not skinny but not fat either. Chubby lang gano'n but she's so beautiful, ha? Halos mapatulala nga ang mga lalaki naming kaklase sa kan'ya.

"Please, introduce yourself." ningitian siya ng professor.

She smiled at her before she turned to us. "Good morning, everyone. I am Clarianna Faith Cielo or you can call me Clari for short, 18 years of age. And I am from..." patuloy niyang pagpapakilala sa sarili hanggang sa matapos.

"Okay. Thank you, Ms. Cielo. Please sit next to Mr. Martinez." sabay lahad ng professor sa bakanteng upuan sa harap ko.

Tumango si Clari at matamis na ngumiti sa kan'ya bago lumapit sa upuan niya. Nagsimula na rin ang klase namin.

Nung nag lunch time ay tumayo na kami ni Sam. Pero bago pa naman kami makaalis ay lumingon si Clari sa 'min na may matamis na ngiti.

"Hi!" bati niya.

"Hello!" bati namin pabalik ni Sam sa kan'ya at ngumiti.

"Uhm... Pwede bang sumabay ako sa inyung mag lunch?" nahihiya siyang ngumiti sa 'min.

"Of course!" ngiti ko.

"Great! Thank you!"

Sabay sabay na kaming tatlo na pumunta sa cafeteria habang nagkukwentuhan. Nagpakilala naman kami kay Clari at tinanong kung bakit siya nagtransfer. Ang sabi niya ay lumipat sila ng bahay ng Daddy niya nang maghiwalay ang Mommy at Daddy niya. Kaya siya nagtransfer dahil malapit ang bahay nila dito sa school.

"Bakit sila naghiwalay?" kuryosong tanong ni Sam kaya kinurot ko siya sa gilid dahilan para mapangiwi siya at sumimangot sa 'kin.

Mukhang nakita si Clari ang ginawa ko kaya bahagya siyang natawa. "Hindi, okay lang. Uhm... kasi may iba na si Mommy, e. I mean, she left us para lang maging kabit. Hindi niya naman talaga minahal si Daddy. Pumayag lang siyang magpakasal kay Daddy para sa pera at dahil may pinakasalang iba ang totoong mahal niya. Yung boyfriend niya ngayon ay ang totoong mahal niya and I think mahal parin siya ng lalaking 'yon kasi pumayag parin siyang makipag-relasyon kay Mommy kahit may asawa't anak na siya, 'di ba?"

We feel bad for her. Humingi kami ng tawad ni Sam kay Clari pero tumawa lang siya at sinabing ayos lang naman daw.

Pagkarating namin ng cafeteria ay agad kaming um-order ng pagkain. Habang kumakain ay nagku-kwentuhan parin kaming tatlo. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam ako na pupuntang library habang si Sam naman ay gustong ilibot si Clari sa eskwelahan namin ay mukhg excited naman si Clari. Sabi ni Sam ay ayaw niya munang sumabay sa kapatid ko at gusto niyang maglibang para makalimutan ang mga sinabi ng kapatid ko sa kan'ya. Kapag free time kasi ay pinupuntahan niya ang kapatid ko at kapag nandito nakita niya naman ang kapatid ko dito sa cafeteria ay lalapitan niya ay sumasabay lagi kung saan man pumupunta ang kapatid ko.

To Win My Heart (Salvatore Series #1)Where stories live. Discover now