Chapter 13
"Excuse me,"
Nasa cafeteria kami nang may lumapit sa aming isang napakagandang babae. Halos mapatulala ang mga kasama ko sa kan'ya. Ngayon ko lang siya nakita at nakasuot rin siya ng uniform katulad namin. Mahaba at straight ang kan'yang buhok na may dalawang hairclip.
Kakatapos lang rin naming kumain at nagpahinga lang saglit sa mesa. Kasama namin ang kapatid ko na katabi si Sam, at nasa tabi naman ako ni Sam. Nandito rin sina Ysmael at Zheian, kaibigan ng kapatid ko.
"Need anything?" si Mason ang unang nagsalita sa amin.
Is she a human? She's really beautiful! Marami akong nakikitang maganda pero iba siya, matutulala talaga ang kahit sino sa kan'ya!
She smiled and looked at me. Damn it! Nakaka-tomboy ang ganda niya! Lalo na kapag ngumingiti siya!
"Amaria, right?" aniya.
Napakurap kurap akong tumango. "Oo. Bakit?"
Paano niya ako nakilala?
Tinignan niya isa isa ang mga kasama ko sa mesa at napatigil siya nang makita si Shan na hanggang ngayon ay tulala pa rin sa kan'ya. Umiwas ng tingin ang babae kay Shan at binalik ang tingin sa akin.
"Can I talk to you?" aniya. "In private." she added.
Nagulat ako roon. Anong pag-uusapan namin? Hindi ko nga siya kilala, e!
"Sandali lang naman." dagdag niya nang hindi ako makapagsalita. "It's important."
"May I know your name?" mataray na ani ni Sam. "Just in case you would do something to my bestfriend."
Kanina pa nakamasid sa amin ang mga estudyante nang pumasok kami sa cafeteria. Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sila sa amin!
The woman chuckled. "Anastasha Zyrine Diaz. Don't worry, I'm harmless." she smiled at her and looked at me again. "So?"
Pumayag ako sa kan'ya at iniwan ang mga kasamahan namin sa mesa. Hindi ko na sila nilingon pa, kahit si Haed at agad na akong sumunod sa babae.
Kinakabahan ako habang iniisip ang sasabihin sa akin ni Anastasha o tungkol saan. Nakasunod lang ako sa kan'ya. Napatulala rin ang ibang estudyante habang nakamasid sa kan'ya.
Napahinto ako sa paglalakad nang tumigil siya. Tatanungin ko sana kung bakit pero hindi ko natuloy nang mapansin kong may humarang na lalaki sa harapan niya.
My lips parted when I saw who it was. Napabaling rin siya sa akin at halatang nagulat nang makita akong kasama ng babae. Si Joshua, isa sa mga nanligaw sa akin noon!
"A-Amaria?" tawag niya sa akin.
Kumunot ang noo ko at hindi nagsalita. Napalingon sa akin si Anastasha bago bumaling ulit kay Joshua.
"Josh, you can talk to her later after we talk-"
"H-Hindi naman siya ang gusto kong kausapin, e." putol ni Josh sa kan'ya at sumulyap sa akin.
Inirapan ko lang siya.
Sinubukan rin ni Josh na manligaw kay Sam noon nang ni-reject ko siya pero gano'n din ang ginawa ni Sam sa kan'ya, ni-reject rin siya. Sa pagkaka-alam ko ay maraming beses na siyang sumubok manligaw sa mga babae dito sa school pero ni isang beses ay walang pumayag sa kan'ya. Hindi ko alam kung bakit. Ni-reject ko kasi siya dahil wala akong oras sa mga gan'yan. Halos lahat naman ng sumubok manligaw sa akin noon ay ni-reject ko.
He's handsome and rich. Maraming nagkaka-gusto sa kan'ya pero hindi naman niya gusto. At ang gusto niya ay hindi rin siya gusto kaya siguro lagi siyang nire-reject.
YOU ARE READING
To Win My Heart (Salvatore Series #1)
RomanceSALVATORE SERIES #1- COMPLETED Amaria Celestine Smith was just a simple student in their school and has only one bestfriend. When Haedeus Jhammer Salvatore came, he made her life chaotic. But something happened that she had never expect to happen. T...