Chapter 33

252 6 1
                                    

Last 2 Chapters then Epilogue. Thank you for reading!

WARNING: R18


Chapter 33

"Anong kailangan mo at bakit gusto mo 'kong makausap?"

'Yan agad ang tanong ko pagkarating ko sa isang restaurant na sinabi niya. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang number ko nang tinawagan niya ako kanina.

"Amaria! I thought you wouldn't come."

Umupo ako sa harapan niya at walang emosyong tinignan siya. I can see a lot of emotion in her eyes but I can't name it. She smiled at me.

"Long time no see-"

"Puwede bang sabihin mo na ang gusto mong sabihin para hindi masayang ang oras ko? Hindi ako pumunta rito para makipag-plastikan sa 'yo." iritado kong sabi.

She slowly nodded and sighed. "Alright. I just want to apologized for everything."

Hindi ako nakapagsalita at pilit kong tinago ang gulat sa sistema ko sa biglaan niyang paghingi ng tawad.

"I knew it's all because of me kaya nagsakitan kayo ni Haed ngayon and I'm sorry because of that." pain acrossed her eyes. "I loved him so much, Amaria. I was suffering from depression because I am in love with him... lalo na no'ng..." lumunok siya at para bang nahihirapang magsalita. "No'ng namatay ang anak namin." her tears began to fall.

I looked away from her. "Why are you apologizing now?"

"Because I know I did horrible things. Kung hindi dahil sa akin ay baka kayo na ulit ngayon. And I already accepted that he can't love me... tanggap ko na na ikaw lang talaga ang kaya niyang mahalin-"

Mapakla akong natawa sa sinabi niya. "I don't think so. His love for me already faded. He has a girlfriend now." hindi ko maitago ang pait sa boses ko.

Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko bago siya umiling. "For him... you are his girlfriend, Amaria. Wala siyang ibang babae..."

Hindi ko maitago ang gulat ko sa sinabi niya at bigla na lang kumabog ang dibdib ko.

"You really think that he can have a girlfriend that isn't you?" tinaasan niya ako ng kilay.

Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kan'ya.

Sarkastiko siyang tumawa. "That man is obsessed with you. Kahit may asawa at anak ka na sa iba, hinding hindi pa rin 'yan magmamahal ng iba."

"How can you say that?" tinaasan ko rin siya ng kilay. "No one can say what our future are."

"Yes, but he is an exception." she smiled at me. "Trust me, I can almost taste his love for you. Kung ayaw mong maniwala, go to his condo. At kung hindi ka pupunta..." she shrugged. "Baka pagsisihan mo 'yon."

Kumabog bigla ang puso ko sa sinabi niya. "A-Anong ibig mong sabihin?"

She smirked at my reaction. "Today is his flight to abroad, Amaria, and he won't come back here anymore. You still have twenty minutes to stop him or else-"

Hindi niya na natapos ang sasabihin at mabilis akong tumayo at iniwan siya roon. Narinig ko pa ang halakhak niya pero hindi ko na siya pinansin pa.

Abot abot ang kaba ko habang nagmamaneho papunta sa condo ni Haed. Kinakabahan ako at natatakot na baka pagdating ko roon ay wala na siya. Damn it... hindi ko na kakayanin kung mawala pa siya ulit sa akin!

Halos madapa pa ako sa pagtakbo papasok sa loob ng building. Nanginginig ang kamay sa sobrang kaba habang sinubukan kong tawagan ang cellphone ni Haed pero hindi man lang nag-ring!

To Win My Heart (Salvatore Series #1)Where stories live. Discover now