Chapter 8

170 4 0
                                    

Chapter 8

"Amaria, are you okay? Drink it."

Hinahaplos ni Tita Emily ang likod ko at inabutan ako ng tubig. Tinanggap ko iyon at uminom ng konti.

What does that mean? Bakit ito ang topic nila ng mga kaibigan niya? At anong sabi niya, na bagay ako sa anak niya? What the hell?

"A-Ayos na po ako, Tita. Salamat."

"So, let's go back to our topic." si Ms. Karen na mukhang walang pakealam sa nangyari sa akin. "Why her, Emily? My daughter is better than her! Mas bagay ang anak ko sa anak mo-"

"Uhm, excuse me po pero ano po ba ang ibig niyong sabihi-"

"What I mean is, my daughter is way better than you. Your father is just a-"

"Stop it, Karen! What the hell is your problem?" Tita Emily cut her off.

Medyo nalito ako sa nangyayari dito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil mukhang nagkaka-initan na sila.

"Uh... Tita Emily, hindi ko po kayo maintindihan. I mean, ano bang ibig sabihin ng pinagsasabi niyo?" lito kong tanong.

"Mom!"

Natigilan kaming lahat nung biglang lumapit si Mason at Shan sa table namin. Seryoso ang mukha ni Mason habang si Shan naman ay nakakunot ang noo sa amin. Lumingon ako sa likod nila sa pag-aakalang may kasama pa sila pero wala na.

Nilingon ko ang table namin kanina. Hindi ko na makita si Clari at Haed. Kumunot ang noo ko. Nasaan ang dalawa?

Tumayo bigla si Sam habang hawak-hawak ang cellphone. May sinabi siya sa mga kasama sa mesa bago umalis. Kumunot ang noo ko. Saan siya pupunta? Uuwi na ba siya?

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa pouch at tinignan. Nag-text si Sam sa akin.

Samantha:

I'm going home na. May emergency lang sa bahay. Sorry at hindi na ako nakapagpaalam ng maayos. Clari was still there, puntahan mo sa pool area ng hotel kung hindi mo makita. She was following Haed!

Kumunot ang noo ko sa text niya. Sinundan ni Clari si Haed? Bakit? Napabuntong-hininga ako.

"Alright, son. Samahan mo muna si Amaria, Shan. Please, excuse us." paalam ni Tita Emily kaya agad akong napaangat ng tingin.

"Tita?" tawag ko nang akma silang aalis ni Mason.

Don't tell me iiwan nila ako rito? Saan ba sila pupunta?

"We'll be back, Amaria." she smiled at me.

Hindi na ako nagsalita no'ng umalis na sila. Tumayo ako. Napatingin sila sa akin at si Shan kaya ngumiti ako sa kanila.

"Magbabanyo lang ako. Excuse me." paalam ko at agad na umalis, hindi na hinintay ang sagot nila.

Pero imbes na sa banyo ako pumunta at dinala ako ng mga paa ko sa lugar na sinabi ni Samantha. Sa pool side. Hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko habang papunta roon.

Natigilan agad ako pagkarating. Agad kong silang nakita sa pool side at masayang nag-uusap. Medyo nakatagilid si Haed mula sa pwesto ko at nasa harap niya naman si Clari. Pareho silang may ngiti sa mga labi.

Medyo may kalayuan ako mula sa pwesto nila kaya hindi ko marinig kung ano ang kanilang pinag-uusapan. May sinabi si Clari sa kan'ya at tumawa naman si Haed dahil roon. Parang tinusok ng karayom ang puso ko habang nakatingin sa kanila.

"Mukhang close na close na ang dalawa, ah."

Hindi ko nilingon si Shan na tumabi sa akin at nanatili ang mga mata ko kina Clari at Haed. Hindi ako nagsalita. Nakita kong nilagay ni Clari ang kan'yang mga daliri sa balikat ni Haed at parang nagustuhan ni Haed 'yon dahil mas lalong lumaki ang ngisi niya.

To Win My Heart (Salvatore Series #1)Where stories live. Discover now