Chapter 14
"AC, Kuya Brendan already know about my relationship with your brother and he want us to break up but... I can't... I love your brother and he will be hurt, too."
Parang pinipiga ang puso ko nang marinig ang hagulhol ni Sam sa kabilang linya. Alam kong ayaw ng Kuya niya na mag-boyfriend ang dalawa niyang kapatid kapag hindi muna nakapag-tapos ng pag-aaral.
"P-Paano niya nalaman?" nag-aalala kong tanong.
Tama siya, talagang masasaktan ang kapatid ko nito. Ito ang unang beses na alam kong nagka-gusto siya sa isang babae at alam kong seryosong-seryoso siya kay Sam. Masasaktan ako para sa dalawang mahal ko sa buhay.
"My evil sister." she said with a hint of anger in her voice. "She told him about my relationship with Ander because she likes Ander, too..." she sighed.
Napapikit ako nang nakaramdam ng inis para sa kapatid niya. Bakit kailangan pa niyang um-epal? Hindi ba pwedeng respetuhin nalang niya ang relasyon ng dalawa? Gaano niya ba kagusto ang kapatid ko na kaya niyang sirain ang karelasyon nito?
"I don't know what to do, AC... I really don't k-know..."
Dumilat ako at bumuntong hininga. "Is my brother already know about this?"
Matagal-tagal bago siya sumagot. "No..."
"Sam, you don't have to hide this to my brother. He will understand this situation."
"Pero... paano kung hihiwalayan niya ako dahil nag-aalala siya sa akin? AC, sabi ni Kuya kapag hindi kami nag-hiwalay ay... papapuntahin niya ako sa Hong Kong. Ayaw ko, AC... Ayaw kong umalis dito..."
"Ano ang gagawin mo? May plano ka ba para dito?"
Bigo siyang bumuntong hininga. "Iyan nga ang problema, e... hindi ko pa alam kung ano ang dapat kong gawin."
"Sam, you better tell it to my brother."
"I will... I will tell him tomorrow. I'll hang up now. Bye."
"Bye."
She ended the call. Ibababa ko na sana ang cellphone nang makatanggap ako ng message. Galing kay Haed. Napakunot ang noo kong binuksan ang message niya.
Haed:
See you tomorrow. Goodnight.
Napairap ako at pinatay ang cellphone ko. Alam kong posible na magkikita pa kami dahil nasa iisang school at building lang kami. But I will do my best to avoid him. Not just him, but also Mason and Shan.
Humiga na ako sa kama at napatitig sa kisame ng kwarto ko. Parang ako ata ang nai-stress sa relasyon ng kapatid at ng bestfriend ko. Pino-problema ko nga si Haed, tapos madadagdagan pa!
Wait... bakit mo naman po-problemahin si Haed, AC?!
Inis kong sinabunutan ang buhok ko. Bakit ba hindi maalis-alis si Haed sa utak ko? At bakit ko pa po-problemahin ang gagong lalaking 'yon?!
Pinagpupustahan ako ng tatlo! Dapat ay hindi ko na iniisip pa kahit isa sa kanila! Lalong lalo na si Haed! At anong premyo ang sinasabi ni Haed? Kung kanino ako ma-fall ay 'yon ang mananatalo at makakatanggap ng prize, 'di ba? Anong klaseng premyo?
Hindi ko namalayan sa kakaisip ko ay nakatulog na pala ako. Pagkagising ko kinabukasan ay kinuha ko na ang tuwalya ko. Naiinis na ako sa sarili ko dahil hindi ko na matulung-tulungan si Mama na maghanda ng almusal dahil lagi nalang akong late nagigising. Hindi naman ako ganito noon.
"Ay daga-" napatalon ako sa gulat dahil sa bumungad sa akin pagkabukas ko pa lang ng pinto ng kwarto ko.
In front of me was Haedeus. Nakaangat ang isang kamay niya na para bang akma siyang kakatok sa pinto nang kwarto ko pero hindi natuloy dahil nabuksan ko. Kita ko rin ang bahagyang pagkagulat sa kan'ya.
YOU ARE READING
To Win My Heart (Salvatore Series #1)
RomanceSALVATORE SERIES #1- COMPLETED Amaria Celestine Smith was just a simple student in their school and has only one bestfriend. When Haedeus Jhammer Salvatore came, he made her life chaotic. But something happened that she had never expect to happen. T...