Chapter 10
She is a liar. She lied in front of everyone but she succeed. Nagsinungaling siya sa principal na maayos niya akong kinausap ni Clari nang bigla siyang sabunutan ni Sam. Kahit anong sabihin namin, ayaw nilang maniwala. Our classmates sided Clari and we don't know why! Sinasabayan nila ang pagsisinungaling ni Clari!
I can't believe what just happen...
The principal gave us a punishment. At ang mas lalong nakakainis ay kami lang dalawa ni Sam ang binigyan! Si Clari ay hindi dahil siya kuno ang biktima sa aming tatlo!
Ano bang meron kay Clari para sa kan'ya pumanig ang mga kaklase naming nakita kung ano ang nangyari? Nakakainis! Bakit ba kasi nangyari ang lahat ng ito?
Natigilan ako sa pag iisip nang makita si Haed na papalapit sa pwesto ko. Nandito kasi ako ngayon sa field. Hindi na ako kumain ng lunch dahil alam kong nando'n si Clari sa cafeteria. I can't bare seeing her face.
Nakapamulsa si Haed habang papalapit sa akin. What is he doing here? Natigilan ako sa sariling tanong. Baka nakakalimutan mo, AC, na dito siya laging tumatambay?
I sighed and stood up. Akmang aalis ako pero agad niyang naharangan ang dadaanan ko dahilan para matigilan ako.
"Where are you going?" seryosong tanong ni Haed.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Pake mo ba kung saan ako pupunta?" masungit kong sabi.
"You're not... wearing your glasses now."
Tama siya. Hindi ko na sinusuot ang glasses ko. Sabi kasi ni Sam ay 'wag ko nang suotin 'yon at mag contact lense nalang raw ako. Pumayag naman ako sa sinabi niya.
Sinimangutan ko lang si Haed at akmang lalampasan siya pero hinawakan niya ang braso ko para patigilan. Mabilis kong binawi ang braso ko sa gulat at nagulat rin naman siya sa ginawa ko. Hindi ko alam kung anong meron sa balat niya pero... nakaka-kuryente...
"I'm sorry..." paghingi niya agad ng tawad.
"Bakit ka nandito ngayon? Hindi ba dapat, kasama mo ang sinungaling mong girlfriend ngayon?"
Natigilan siya at kumunot ang noo. "Girlfriend?" lito niyang tanong.
I glared at him. "Si Clari! Girlfriend mo! Hindi mo ba siya kilala-"
"What the hell are you saying? Clari is not my girlfriend!" iritado niyang sabi.
"Ha! Sinungaling! Naghalikan nga kayo kagabi, hindi ba? Kumalat pa nga ang litrato niyo sa social media!"
"Damn it..." he whispered. "She was the one who kissed me! She's not my girlfriend, okay?"
Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit mo tinatanggi-"
"Why were you with Mason yesterday, then?" he cut me off.
Natigilan ako at napakurap kurap. Sobrang seryoso ang hitsura niya habang nag-aantay ng sagot ko.
"Ano naman ngayon kung kasama ko si Mason kagabi-"
"At ano rin naman ngayon kung girlfriend ko si Clari o hindi?" he shot back.
I stilled because of that. Tama nga naman, Ac! Ano naman ngayon kung sila ba o hindi? Ano naman ngayon sa 'yo?
Napatikhim ako at umiwas ng tingin sa kan'ya.
"Y-You denied her-"
"I am not denying a thing. She's just really not my girlfriend." he sighed. "Gusto kong tanggihan ang halik niya sa akin kagabi pero... ayaw kong mapahiya siya. That's why I let her kissed me-"
YOU ARE READING
To Win My Heart (Salvatore Series #1)
RomanceSALVATORE SERIES #1- COMPLETED Amaria Celestine Smith was just a simple student in their school and has only one bestfriend. When Haedeus Jhammer Salvatore came, he made her life chaotic. But something happened that she had never expect to happen. T...