Chapter 21
"Hindi mo ba ako susunduin ngayon?"
Ngumuso ako habang nag-aayos ako ng gamit ko papuntang eskwelahan. Nakaipit ang cellphone ko sa balikat at tenga ko habang nag-uusap kami ni Haed na nasa kabilang linya.
"I'm sorry, baby, I can't fetch you right now. But I promise that I will drive you home later. See you at school."
Bumuntong hininga ako. "Alright. See you. I love you."
"Take care. Bye." he ended the call.
Huh?!
Galit kong kinuha ang cellphone at matalim na tinignan ang screen no'n.
Take care? Bye? But where's my I love you?!
Bad mood akong pumasok sa eskwelahan. Hindi na nga nag-I love you too tapos papatayan pa ako ng tawag? Hindi niya na ba ako mahal?!
Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Papasok na ako sa loob ng eskwelahan ngayon at sobrang init ng ulo ko.
"AC!"
Nilingon ko si Sam nang tinawag niya ako. Huminto ako sa paglalakad at hinintay siyang makalapit sa akin. Agad niya akong inakbayan.
"Magandang umaga pero mukhang hindi maganda ang umaga mo, ah?" humalakhak siya at sabay na kaming naglakad.
Hindi ko siya sinagot dahil baka siya ang mapagbuntungan ko ng inis ko. Hindi na rin naman siya nangulit at pareho lang kaming tahimik na naglalakad. Inalis niya ang pagkaka-akbay sa akin at hinawakan ako sa braso.
Uwian na no'ng makita ko si Haed sa labas ng classroom namin. Simula kaninang umaga hanggang lunch ay hindi ko siya nakita! Ngayon lang talaga na nag-uuwian na!
"Hey, beautiful." he smiled and kissed my forehead.
Inirapan ko siya at hindi ako nagsalita. Inis kong tinanggal ang braso niya sa balikat ko nang inakbayan niya ako at nagtaka naman siya sa ginawa ko.
"Bakit?" kunot noo niyang tanong.
"Bakit your ass! Don't touch me!" galit kong sabi at mabilis na naglakad, nilampasan ko sina Sam na naunang maglakad.
Agad namang sumunod si Haed sa akin. "Hey. What's the problem? Hmm?" malambing niyang tanong.
Hindi pa rin ako nagsalita hanggang sa kotse niya. Panay ang tanong niya sa akin kung anong problema pero hindi ko siya sinagot. Hindi niya ba maalala ang ginawa niya kanina?!
Hinawakan niya ang kamay ko habang nasa byahe kami. Inis kong binawi ang kamay ko at bahagyang umusog palayo sa kan'ya. Mas lalo siyang nagtaka.
"Is there a problem? Kanina mo pa ako iniiwasan, ah?" tanong niya at sumulyap sa akin.
"Ewan ko sa 'yo! Ikaw ang problema dito kaya dapat alam mo na kung ano!" galit kong sabi.
"Huh?" nalilito niyang ani at p-in-ark ang kotse sa gilid para matuon ang atensyon sa akin. "I am the problem? Did I do something wrong that making you upset?" sinubukan niya ulit hawakan ang kamay ko.
"Bakit mo ako hinahawakan?!" sabay bawi ko ng kamay. "Hindi ba, hindi mo na ako mahal?!"
"What?!" his eyes widened. "I didn't say that!"
Mas lalong uminit ang ulo ko.
"You didn't say that but you didn't say that you love me either!"
"Baby, araw-araw ko namang sinasabi kung gaano kita kamahal, ah?" kumunot ang noo niya.
Matalim ko siyang tinignan. "You don't remember what you did earlier?! I said I love you to you through the phone call but instead of saying I love you too, you just said take care and bye! Then you ended the call!"
YOU ARE READING
To Win My Heart (Salvatore Series #1)
RomanceSALVATORE SERIES #1- COMPLETED Amaria Celestine Smith was just a simple student in their school and has only one bestfriend. When Haedeus Jhammer Salvatore came, he made her life chaotic. But something happened that she had never expect to happen. T...