Chapter 29
"The dinner is ready. Let's eat."
Saktong kakabalik ko lang sa sala nang tawagin ako ni Haed para kumain. Tinago ko ang picture nila sa bag ko. I don't know how to feel seeing that picture. Marami agad ang bumabagabag sa isip ko pero inalis ko 'yon sa utak ko.
Tinignan ko ang niluto ni Haed. Dalawang klase 'yon na ulam. Sinigang na hipon at steak. Meron pang mga kandila sa gitna at may wine na para bang nagdi-date pa rin kami pero nasa condo niya lang.
Sinigang na hipon ay ang paborito naming dalawa. Halos ito lang rin ang niluluto ko para sa amin noon kapag nandito ako sa condo niya. He doesn't know how to cook before at sa tingin ko naman ay masarap ang niluto niya ngayon.
I thanked him when he pulled a chair for me. Siya naman ay umikot sa harapan ko at doon umupo. Tahimik lang ako habang nilalagyan niya ng pagkain ang pinggan ko habang siya naman ay may ngisi. Nakasuot na siya ng puting t-shirt ngayon. Gusto ko tuloy titigan ang pangalan kong nakatattoo sa likod niya.
"Here, try it. Masarap 'yan." kumpyansang aniya.
Kinuha ko ang kutsara at kumuha ng konting sabaw ng sinigang at inihipan 'yon dahil sobrang init pa niya bago ko tinikman. Ninamnam ko ang lasa at agad na napatango.
"Oo, masarap." tipid akong ngumiti sa kan'ya.
Totoong masarap.
Mas lalong lumaki ang ngisi niya. "Syempre, ako nagluto, e." he chuckled.
Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang ako at nag-focus lang sa pagkain habang siya naman ay panay kuwento tungkol sa trabaho niya. Tango at iling lang naman ako kapag may tinatanong siya sa akin.
No'ng napansin niyang parang wala ako sa mood ay tumigil na siya sa pagsasalita. Ni hindi ko siya sinusulyapan kahit pa ramdam ko ang panay sulyap niya sa akin.
"Ako na ang maghuhugas at maglilinis. Magpahinga ka muna." aniya nang makita akong nililigpit ang pinagkainan namin.
I shook my head. "Ako na, Haed. Ikaw ang nagluto ng pagkain kaya ako na ang maglilinis-"
"No." matigas na ani niya.
Pinilit ko siya na ako na ang maglilinis pero matigas talaga siya kaya wala akong magawa kundi ang pumunta sa kuwarto niya at magpahinga saglit. Maya-maya ay uuwi na rin ako.
Kinuha ko ang picture sa bag ko habang nakaupo ako sa gitna ng kama at tinitigan 'yon. Parang may kumirot sa puso ko nang makita ang malapad na ngiti ng dalawa. Nakayakap si Shiela sa bewang ni Haed habang siya naman ay nakaakbay sa babae. Ang background nila ay para silang nasa bar. Siguro ay picture nila 'to kagabi. Hindi ko nga alam na nasa iisang bar lang pala kami.
Are they in a relationship?
Iyan ang tanong na nagpaulit-ulit sa utak ko at hindi ko naman masagutan. Kung may relasyon sila, bakit gusto pa akong ligawan ni Haed? Para saan? Naalala ko noon na sinabi ng ina niya na may relasyon sina Haed at Shiela pero nang ikuwento ni Haed sa akin ang totoo at wala silang relasyon ng babae ay naniwala ako sa kan'ya.
Should I ask him about it? But he's courting me right now. That means, wala siyang girlfriend o asawa, 'di ba? Ang gago naman niya kung may girlfriend siya at nililigawan niya ako.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa picture nang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Haed. My eyes widened and I was about to hide the picture I was holding when his eyes went down to my hand and his brows furrowed when he saw a picture.
"What's that?" naglakad siya bigla palapit sa akin.
Agad siyang umupo sa paanan ng kama at kinuha 'yon sa kamay ko. Napalunok ako nang makitang umawang ang labi niya habang nakatingin sa picture bago bumaling sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya.
YOU ARE READING
To Win My Heart (Salvatore Series #1)
RomanceSALVATORE SERIES #1- COMPLETED Amaria Celestine Smith was just a simple student in their school and has only one bestfriend. When Haedeus Jhammer Salvatore came, he made her life chaotic. But something happened that she had never expect to happen. T...