Chapter 7
"Ate Amaria, choose a gown you want or if you don't mind... ako ang pipili ng mga magagandang gown para sa 'yo?"
"Mga?" kunot-noo kong tanong sa kan'ya.
"Yup! Of course, I don't want to treat you just a one piece of gown. I don't like that. I will buy you five gowns!"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. "Ha? A-Ang dami naman ata niyan..."
"Dapat lang 'no! At isa pa, just keep the others for the next party you would attend." she smiled at me. "You let me treat you so you have to let me treat you whatever I want, okay?"
Huminga nalang ako ng malalim at tumango. Kahit naman anong tanggi ko ay wala rin akong mapapala. Bahala siya, mayaman naman sila kaya barya lang ito sa kanila.
"Okay,"
"Good. So, start choosing the gowns you want and I will start choosing mine, okay?"
Tumango ulit ako at nilingon si Haed na nakaupo lamang habang nagtitipa sa kan'yang cellphone. Sino kaya ang ka-text niya? Bakit ba hindi ko maiwasang maging curious sa ginagawa niya?
Umiwas agad ako ng tingin sa kan'ya nung umangat ang tingin niya sa 'kin. Nagsimula na akong maghanap ng gown tulad ng sabi sa 'kin ni Heaven.
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming naghahanap ng gowns dito sa boutique. Apat pa lamang ang napili ko habang si Heaven naman ay tatlo.
"Bakit apat lang 'yan?" tanong niya nang makita ang gowns na hawak ng dalawang saleslady.
Mahirap pumili lalo na at halos lahat ay maganda. Ang nakita kong pinakamura ay 'yon ang napipili ko, kaso apat lang ang napili ko dahil wala na akong makitang mura.
She looked at the price. "At mura. You should pick the pricey, you know? The pricey, the better."
"Okay na 'yan. Magaganda naman lahat."
"Pero kulang pa ng isa. Ah! Alam ko na! The last one you should pick is the pricey one!"
"Huh? Ayos na ang apat-"
"Last one, Ate Amaria!"
Napalingon ako sa likod niya kung nasaan ang itim na gown kanina. Tinanguan ko si Heaven ng hindi tinitignan at lumapit sa gown na 'yon.
And yeah, she's right. Mas better talaga kapag mahal ang price ng gamit. So I think, this will be the last one, huh?
Pagkatapos naming bumili ng mga gowns ay umalis na kami sa boutique na 'yon. They also invite me to have a lunch with them kaya hindi na ako tumanggi dahil gutom na rin ako. Si Haed ay nakasunod lang lagi sa likod namin habang dala-dala ang mga pinamili namin. Para siyang asong sunod ng sunod sa amo niya.
Pagkatapos naming kumain ay sabay na rin kaming bumili ng iba pa naming kailangan para sa party. And guess what? They paid all of my needs! Nakakahiya but I'm still thankful, though.
Grabeng party naman nito, napaka-gastos.
Hinatid nila ako sa amin gamit ang kotse ni Haed nang matapos kaming mag-shopping. Inimbitahan ko silang pumasok muna sa loob ng bahay but they refused dahil may aasikasuhin pa raw sila. Pumayag nalang din ako para makapag-pahinga agad dahil sa sobrang pagod ko. But still, I enjoyed their company.
"Si Ander, Ma?" tanong ko kay Mama habang kumakain kami ng dinner.
Hindi naman kasi pala-gala ang kapatid ko kaya nakakapagtaka na wala siya dito ngayon at hindi namin siya nakasabay na mag-dinner.
"May pinuntahan. Baka maya-maya ay uuwi na 'yon. Bakit?"
"Huh? Saan raw pumunta? Hindi naman pala-gala 'yon, e." sabay subo ko ng ulam.
YOU ARE READING
To Win My Heart (Salvatore Series #1)
RomanceSALVATORE SERIES #1- COMPLETED Amaria Celestine Smith was just a simple student in their school and has only one bestfriend. When Haedeus Jhammer Salvatore came, he made her life chaotic. But something happened that she had never expect to happen. T...