Chapter 9
"B-Bakit gising ka pa? Alas dose na ng madaling araw..."
Bumaba ako sa kama at umupo sa sahig bago sumandal sa gilid ng kama at niyakap ang dalawa kong tuhod gamit ang isang kamay. Ang isa ko namang kamay ay nakahawak sa cellphone na nasa tenga ko.
"I'm sleepy but I can't sleep. Hindi ka man lang nagpaalam na uuwi ka na pala kanina... hinanap pa kita kung saan saan..."
Nanlaki ang mga mata ko dahil do'n. Hindi na ako bumalik sa party pagkatapos ng nangyari na halikan namin ni Mason at agad din akong nagpahatid sa kan'yang umuwi kaya hindi na ako nakapagpaalam ng maayos kanina.
"Bakit mo 'ko hinanap?" kumunot ang noo ko.
Bakit niya naman ako hahanapin, e, kasama niya naman si Clari? At isa pa, bakit ako ang tinawagan niya ngayon kung pwede naman si Clari? Hindi kaya, tulog na si Clari kaya ako ang naisipan niyang tawagan? Tapos kapag gising si Clari ay siya ang tatawagan niya? Ano ako, choice lang kapag no choice na?
Ilang saglit pang natahimik ang kabilang linya bago ko narinig ang pagtikhim niya.
"Uh... dahil hinahanap ka ng kapatid ko so... kaya ayun..."
Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang nahihirapan siya sa pagsagot ng tanong ko?
"By the way, who drove you home and who was with you? Sabay ba kayo ni Samantha umuwi? Hinanap rin kayo ni Clari..."
Bumuntong hininga ako, pilit na pinapakalma ang sarili nang marinig ko ang pangalan ni Clari. E, teka nga, bakit ba inis na inis ako kay Clari, e, wala naman siyang kasalanan sa akin?
"Are you okay?" he suddenly asked.
Napapikit ako dahil naramdam na rin ako ng antok. "Uh... I wasn't with Sam..."
"Huh? Who was with you then?" biglang sumeryoso ang boses niya.
Tinakpan ko ang bibig ko at tahimik na humikab. Sa wakas at nakaramdam na rin ako ng antok. Gusto ko pa sanang kausap siya pero hindi ko na makayanan ang antok.
"I was with Mason..." inaantok kong sagot. "Inaantok na ako. Ikaw ba? Hindi ka pa ba matutulog?"
He sighed from the other line. "Alright. Sleep now. Let's talk again later, okay? Good night..."
Bumalik na ako sa pagkakahiga ko sa kama at nagkumot. Hindi na ako nakapag-good night pabalik dahil pagkahigang pagkahiga ko palang ay agad na akong nakatulog.
"Oh, aalis ka na? Ang aga aga mo na atang umaalis, ah? Nakakapanibago." sabi ko sa kapatid ko pagkalabas ko nang kwarto.
Naka-uniporme na siya at mukhang handa nang umalis. Ako naman ay maliligo palang! Parang bumaliktad ata ang mundo naming dalawa.
Inirapan niya ako. "I gotta go." aniya at tinalikuran ako.
"Aba, aba! Nagmamadali," bulong ko sa sarili at umiling.
Dumiretso na ako sa banyo para makapag-ligo na rin. Sobrang aga pa naman. At kung pupunta na ngayon ang kapatid ko sa school, ay baka siya palang ang estudyante roon! Napailing nalang ako.
"Himala, ang aga aga na umaalis ang kapatid mo. Anong meron do'n?" tanong ni Mama pagka-upo ko sa hapag.
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam, Ma. Kahit ako, naninibago."
"Ah, mukhang may something sa kapatid mo!" napailing iling si Mama. "Baka nagbibisyo bisyo na 'yang kapatid mo, ah?"
Kunot noo kong nilingon si Mama habang nilalagyan ng kanin ang pinggan ko. Nagbibisyo?
YOU ARE READING
To Win My Heart (Salvatore Series #1)
RomanceSALVATORE SERIES #1- COMPLETED Amaria Celestine Smith was just a simple student in their school and has only one bestfriend. When Haedeus Jhammer Salvatore came, he made her life chaotic. But something happened that she had never expect to happen. T...