Chapter 19
"Thank you naman at Christmas break na ngayon! Makakapagpahinga na ako ng maayos sa nakakapagod na mundo!"
Mabilis na dumaan ang mga araw. At isa sa mga araw na 'yon ay ang araw ng hiwalayan ng kapatid ko at ni Sam. Pareho silang nasaktan pero alam kong malalabanan rin nila ito.
Nakakainis nga lang dahil kinabukasan agad ng paghihiwalay nilang dalawa ay may kasa-kasama nang ibang babae ang kapatid ko. Grabe ang iyak ni Sam noon kaya hindi ko rin mapigilan ang awa at galit ko sa kapatid ko.
Huling pasok na namin ngayon sa buwan ng December. At syempre, kami pa rin ni Haedeus at mag-iisang buwan na kami bukas. December 20. May minsan na nagkakatampohan kami pero agad din namin naaayos. Hindi kasi umaalis ng bahay si Haed kapag hindi kami okay.
"What gift do you want this coming Christmas?" tanong ni Mason kay Sam.
Napansin ko sa mga nagdaang araw ay parang may kakaiba sa kanila. Magkasama sila paminsan-minsan at nakikita ko pa silang nag-uusap ng seryoso dahil sa sobrang seryoso ng mga mukha nila.
"A peaceful life." inirapan siya ni Sam at naunang maglakad.
Natawa naman kami ni Haed sa kanila. Nasa likuran lang nila kami habang nakasunod. Shan is not with us. Hindi ko alam kung nasaan siya at hindi rin naman alam nila Haed kaya hinayaan ko nalang.
Alam na nang halos lahat dito sa eskwelahan ang relasyon namin ni Haed. Wala kaming sinabi sa kanila at alam kong kapansin-pansin ang galawan namin ni Haed para isipin nila na may relasyon kaming dalawa. At kapag nasa paligid naman namin sina Shiela at Clari ay hindi nila inaalis ang tingin nila sa amin.
Hindi ko alam kung paano pero... kasama na si Clari sa grupo nina Shiela.
"Hi, guys!" masayang bati ni Anastasha sa amin nang pumasok siya sa cafeteria.
Lagi na namin siyang kasama mag-lunch. I'm thankful to her for all she did to me before. She helped me even though we don't know each other. At ngayon ay naging kaibigan na namin siya.
"Hello..." ngumiti kami sa kan'ya.
Nag-order na kami ng pagkain namin nang namataan ko na naman ang kapatid ko na pumasok sa cafeteria. Kasama niya ang dalawang kaibigan at iba na namang babae.
What's wrong with him?
Napabaling ako kay Sam at napansin kong nakatingin rin siya kung nasaan ang kapatid ko. Kita ko ang dumaan na sakit sa mga mata niya at umiwas ng tingin sa kanila at bumaling kay Mason. Kumunot ang noo kong tinignan ulit ang kapatid ko at napansin kong siya naman ngayon itong nakatingin kay Sam.
Napabuntong hininga ako at umiwas ng tingin sa kapatid ko nang tawagin ako ni Haed.
"Are you okay?" nag-aalala niyang tanong.
I nodded and smiled. "Oo naman, bakit naman hindi?" mas nilakihan ko ang ngiti ko.
He tilted his head before he smiled. "Alright. Let's go back to our table."
Tumango ulit ako at sabay na kaming bumalik sa table. My God. Ako ang namomroblema kay Sam at sa kapatid ko, ah?
Nang magsimula na kaming kumain ay nakamasid ako kay Sam na hindi mapakali habang kumakain. Mukhang napansin 'yon ni Mason dahil panay rin ang sulyap ni Mason sa kan'ya. May binulong siya sa kaibigan ko at kumalma naman ito. Napakunot ang noo ko.
"Nga pala, guys. We're all college next year. What course do you all take?" tanong ni Anastasha sa amin.
"I'll take Engineering." Haed answer first and looked at me. "How about you?"
YOU ARE READING
To Win My Heart (Salvatore Series #1)
RomanceSALVATORE SERIES #1- COMPLETED Amaria Celestine Smith was just a simple student in their school and has only one bestfriend. When Haedeus Jhammer Salvatore came, he made her life chaotic. But something happened that she had never expect to happen. T...