Chapter 32

238 6 1
                                    

Chapter 32

"Where are you going ba? Won't you invite us?"

Nagtitimpla akong ng kape ko nang tanungin ako ni Diera habang nakaupo sa at nilalantakan ang gawa niyang vegetable salad. Iyan ang breakfast niya palagi.

Naging maayos ang pakikitungo niya sa akin nang ikuwento ko kay Gerwen ang nangyari sa hospital habang siya naman ay nakikinig. Inamin niya rin na pinagseselosan niya ako dahil do'n sa bar kaya mataray ang pakikitungo niya sa akin.

Sa loob ng isang buwan ay dito sila natutulog sa condo ko. They were afraid that I might harm myself because of those pain I felt. Kulang na nga lang ay lahat ng gamit nila ay ilipat rito. Gusto ko na nga silang paalisin dito dahil...

Ang ingay ingay tuwing gabi! Nakakalimutan ata nilang nasa condo ko sila gumagawa ng milagro!

Sinabi ko na 'yan sa kanila na kung gagawa man sila ng bata tuwing gabi ay hinaan nila ang boses nila pero ang mga gaga ay tatawanan lang ako. Kung hindi lang ako mabait ay itinapon ko na sa labas lahat ng gamit nila!

"Kila Mama. Sumama kayo kung gusto niyo." sagot ko sa kan'ya at umupo sa dulo ng mesa dala ang kapeng gawa ko.

"Sure! Maliligo lang ako and I will wake up my boyfriend. He's tired because of our wild night." she smirked at me.

Gusto kong masuka sa sinabi niya! Napairap na lang ako na ikinatawa niya. Nang maubos ang salad niya ay iniwan na niya ako sa kusina para makapagligo na siya. Tapos na akong maligo kaya hihintayin ko na lang sila.

Today, May 25, is Mason's birthday. I called him and greeted him earlier when I woke up. Isang buwan ko na rin siyang hindi nakikita at no'ng last last month naman ay paminsan minsan ko lang siyang nakikita, 'yon pala ay nasa Davao siya at may inaasikaso lang daw.

Sa isang buwan na 'yon ay tatlo sa mga projects ko ang natapos at naging successful ang pagpapatayo, isa na roon ang law firm ng aking kapatid. Ngayon naman ay pinapasimulan ko na ang hotel na itatayo ko.

The building must have fifty floors. Yes, that's how big it is.

Inabala ko muna ang sarili ko sa paglalaro ng tong-its sa cellphone. Ayaw ko namang umalis at umuna roon sa bahay nang hindi nakapagpaalam ng maayos kina Gerwen kaya hinintay ko na lang sila.

Ice-celebrate kasi sa bahay ang another successful projects ko. Halos isang oras kong hinintay na matapos maligo ang dalawa. Umalis na kami ng condo ko. It's still nine in the morning, too early to celebrate but this is my mother wants.

No'ng makarating kami ay sinalubong kami ni Mama. Nagulat pa ako nang makita si Shan at Anastasha kasama ang anak nila sa loob. They were celebrating with us!

They all congratulate me and it warmed me. Pero kahit gano'n ay pakiramdam ko pa rin may kulang. Masaya ako dahil nandito sila para e-celebrate ang pagiging successful ko pero parang hindi pa sapat. At alam ko na kung sino ang kulang... pero pilit kong binura 'yon sa utak ko.

Nagluluto pa si Mama at ang asawa ni Ander na apat na buwan na ang dinadala, pati na rin ang katulong namin. I helped them cooking, too. Ang iba naman ay nasa sala at nagkakatuwaan.

Marami ang niluto namin na para bang sobrang dami naming kakain. No'ng matapos ako sa ginagawa ko ay naghugas ako ng kamay bago lumabas at pinuntahan sila sa sala. Napangiti ako nang makita ang isang taon na anak ni Shan at Anastasha.

"I want a baby, too..." Diera pouted and looked at Gerwen. "Can we make one?"

Medyo nagulat si Gerwen sa sinabi ng girlfriend na ikinatawa namin.

"H-Ha?"

"Let's make a baby!" excited na sabi ni Diera. "I'm ready naman, e! How about you ba?"

"S-Sure!" pilit na ngumiti si Gerwen sa girlfriend.

To Win My Heart (Salvatore Series #1)Where stories live. Discover now