Chapter 2

325 7 0
                                    

Chapter 2

"Dapat maganda ka, friend! Ano ba 'yan! Ito ang suotin mo!"

Nandito si Sam sa bahay ngayon, binibisita ang kapatid ko. At dahil alam niya na mag-d-date kami ni Shan ngayon ay tinutulungan niya na rin ako kung ano ang susuotin ko. Nagdala pa nga siya ng gamit na ipapagamit niya sa 'kin. Especially, make ups.

Kulay pink na spaghetti dress ang napili niyang bagay sa 'kin. Napasimangot ako habang nakatingin sa dress dahil hindi naman talaga ako mahilig sa sobrang ikli na mga damit. Mas okay na sa 'kin ang simpleng T-shirt, pants at sapatos lang. Ngayon, naka-heels na ako. Buti nalang at medyo marunong-runong rin naman akong gumamit ng heels.

"H'wag kang sumimangot d'yan! At 'wag kana ring mag-inarte. Ang sexy-sexy mo tapos ayaw mong ipaalam sa iba? Haler?" aniya nang makita ang itsura ko.

Alam na nina Mama at Papa na aalis ako ngayon at alam rin nila kung sino ang kasama ko. Of course, pumayag sila at masaya sila sa 'kin dahil sa wakas raw ay naisipan ko nang makipag-date.

Kahit matanda pa ako keysa sa kapatid ko ay alam kong magagalit 'yon kapag nalaman niya. Kaya medyo binilis-bilisan ko ang pagbihis dahil baka magising na 'yon at maabutan pa ako. Ayaw pa akong payagan nun na para bang mas matanda pa siya sa 'kin.

Wala pang isang oras ay naayusan na ako ni Sam. Siya ang nag-ayos ng buhok ko at nag-make up sa 'kin. Napatulala ako ng makita ko ang itsura ko sa salamin ko dito sa kwarto.

"A-Ako ba 'yan?" tulalang tanong ko habang nakaturo sa sarili ko sa salamin.

Malakas na tumawa si Sam. "Baliw ka ba? Ano? Ang ganda no? Baka matulala si Shan sa 'yo niyan!"

Umiling na lamang ako at bumuntong-hininga. Kukunin ko na sana ang salamin ko sa ibabaw ng cabinet nang tinampal ni Sam ang kamay ko dahilan para muntik na akong mapaatras. Tinignan ko siya ng masama pero inirapan niya na lamang ako.

"Ano?" tanong ko sa kan'ya.

"Hindi mo na 'yan susuotin!"

"Ano? Bakit? Malabo ang mata ko!"

"Ano ka ba? Girls scout yata ako 'no!" aniya at may kinuha sa bag niya at ipinakita sa 'kin. "Contact lense! Binilhan kita nito kanina bago ako dumiretso dito. Gan'yan ako ka-supportive sa 'yo!"

"Pero-"

"Don't worry, may grado naman ito! Halika na at isusuot ko na 'to sa 'yo!"

Wala akong magawa kun'di ang hayaan siya. First time kong magsuot ng contact lense kaya naninibago ako. Ang kati pala nito sa mata. Medyo namumula pa ang mga mata ko nung tumingin ako sa salamin.

Nahihiya ako sa itsura ko. Baka isipin ni Shan na pinaghandaan ko talaga ang date naming dalawa! Jusko, hindi naman. Si Sam kasi, e!

Sabay kaming napalingon ni Sam sa pinto dahil sa katok hanggang sa narinig ko ang boses ni Mama.

"Anak? Sam?"

Tumayo si Sam at binuksan ang pinto. "Tita!"

"May naghahanap sa labas. Si Shan daw. Teka, asan ba si-" napatigil si Mama nung makita ako at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Jusko! AC, anak? Ikaw ba 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Mama.

Napairap ako. "Hindi, Ma. Hindi po."

Pumasok siya sa kwarto at lumapit sa 'kin. "Ikaw ba talaga 'yan, anak? Ang ganda mo!" aniya at hinawakan ako sa magkabilang braso.

Sinimangutan ko lang siya. "Sino pong nandito, Ma?" tanong ko dahil hindi ko maalala ang pangalang binanggit niya kanina.

"Shan. Shan daw sabi niya. Iyon ba ang ka-date mo? Ang gwapo nun, nak!" aniya na parang kinikilig pa.

To Win My Heart (Salvatore Series #1)Where stories live. Discover now