Chapter 5

229 4 0
                                    

Chapter 5

"Dalawang buwan nalang, pasko na! Excited na ako!"

Humagikhik si Sam sa sobrang excitement habang naglalakad kami palabas ng eskwelahan. Kakatapos lang ng nakakapagod namin na klase. Dalawang araw ko na ring hindi nakikita ang tatlo at hindi ko alam kung bakit. Hindi rin naman nag-t-text si Shan o Haed sa 'kin kaya ipinagkibit balikat ko nalang 'yon.

"Oo nga, e. Saan ba kayo magpapasko? Ako kasi, sa Cebu kasi doon nakatira ang Lolo at Lola ko. Pero sa bagong taon ay dito kami sa Manila." ani naman ni Clari.

"Sa bahay lang kami, as usual," kibit balikat ko at inayos ang salamin.

"Kami rin, e, sa bahay lang," sagot naman ni Sam.

Nag-aantay kami ng masasakyang jeep. Same lang sila ng jeep na sasakyan kaya sabay na silang dalawa at nagpaalam na sa 'kin kaya ako nalang mag-isa.

Habang nag-aantay ng jeep ay nahagip ng mata ko ang nagbebenta ng streetfood sa harap ng eskwelahan kaya nag-crave tuloy ako. Minsan lang kasi ako nakakakain niyan kasi paiba-iba ng pwesto ang nagbebenta.

Napatalon ako nang may bumusinang kotse sa harap ko at bahagyang umatras. Bumukas ang bintana ng front seat dahilan para makita ko kung sino ang nagmamaneho.

Bumilis ang tibok ng puso ko nung makita si Haed, nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Parang biglang tumigil ang oras habang nagkatitigan kaming dalawa. Napaayos ako ng salamin ko.

Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang nakatingin sa kan'ya. And he's not wearing a uniform! Hindi ba siya pumasok?

"Get in and let me take you home." he smirked at me.

Parang lalabas na ang puso ko sa ngisi niya. Binasa niya ang mga labi at ngayon ko lang napansin na may piercing pala siya sa dila niya! Damn!

Kinagat ko ang ibabang labi ko at umiling. "N-No thanks. Mamaya pa naman ako uuwi dahil..." nilingon ko ang nagbebenta ng streetfood at agad na binalik sa kan'ya ang tingin. "Nag-c-crave ako ng streetfood."

Kumunot ang noo niya. "Streetfood?"

Halata sa mukha niya na hindi pa siya nakatikim ng streetfood! Sabagay, mayaman nga pala siya kaya hindi pa talaga siya nakakatikim n'yan.

Napangiti ako bigla nung may ideyang pumasok sa utak ko. And then minutes after convincing him, I found myself eating a streetfood with him.

"What's this?" parang nandidiri siya habang nakatingin sa isaw na hawak niya.

Ngumisi ako. "That's isaw. Masarap 'yan! Tikman mo,"

Umiling siya. "No! It looks like..." hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin niya.

"Please? Masarap 'yan promise! Tikman mo kahit konti lang, hindi ka magsisisi!" pagpumilit ko sa kan'ya at inayos ang salamin ko.

Ilang minuto pa akong nagpumilit sa kan'ya hanggang sa pumayag siya kaya excited ako sa reaksyon niya habang nakatingin ako sa kan'ya, hinihintay na isubo niya ang isaw.

"I... I can't!" umiling-iling siya at inilayo sa mukha niya ang isaw.

Pinilit ko ulit siya kaya bumuntong-hininga nalang siya at dahan-dahang sinubo ang isaw. Konti lang ang kinain niya at habang nginunguya niya 'yon ay kumunot ang noo niya at unti-unting tumango.

"It tastes good," aniya at inubos ang isang stick ng isaw.

Malapad akong ngumiti. "Oh 'di ba? I told you!"

Halos lahat ng streetfoods na nandito ay nakain namin. At syempre, ako ang nagbayad sa lahat. Gusto niya sana na siya ang magbayad pero hindi ako pumayag at sinabing ako naman ang nagpumilit mag-aya sa kan'yang kumain dito kaya wala siyang magawa.

To Win My Heart (Salvatore Series #1)Where stories live. Discover now