Chapter 6
"Kumain kana para mainom mo na ang gamot mo."
Nakadapa si Mason sa kama niya nang pumasok ako. He was still in his uniform. Nasa sahig naman ang sapatos niya habang nakasuot parin ang medyas niya.
I sighed and put the tray beside his lamp. Inilibot ko ang mata ko sa buong kwarto niya. May mini salas siya dito at may flat screen t.v sa paanan niya. May dalawang pinto pa sa loob ng kwarto niya. Siguro ay banyo at walk-in closet niya.
Binalik ko ang tingin kay Mason at lumapit. Nilagay ko ang likod ng palad ko sa leeg niya at bahagya naman siyang gumalaw sa ginawa ko dahilan para agad kong inalis ang kamay ko sa leeg niya. Inayos ko ang salamin ko at umayos ng tayo.
"Ano ba kasing ginawa mo sa sarili mo at nagkasakit ka?" tanong ko at hinubad ang blazer niya bago inilagay sa gilid ng kama.
He just groaned pero hinayaan lang naman niya ako sa ginagawa ko.
"Umayos ka nga," sabi ko at tinulungan siya umayos sa pagkakahiga.
Dumilat siya at tinignan ako. Napalunok ako nang magkatitigan kaming dalawa pero agad akong umiwas ng tingin sa kan'ya dahil hindi ako komportable sa klase ng tingin niya.
"U-Umupo ka muna para makakain ka."
Tumango lang siya at sinubukang tumayo. Medyo nahihirapan siya dahil siguro sa bigat ng pakiramdam niya kaya tinulungan ko siyang makaupo. Napatingin ako sa polo niya nang mapansin kong basa 'yon.
"Can... you get me a sweat shirt and short?" nanghihina niyang utos.
Napasimangot ako at gusto kong magreklamo dahil hindi niya naman ako katulong pero pinigilan ko ang sarili ko at lumapit sa closet niya.
"The other one," aniya ng mapansing maling pintuan ang akma kong papasukin.
Bumuntong hininga ako at binuksan ang katabing pinto no'n at pumasok. Hindi ko na pinuna ang itsura ng walk in closet niya at kumuha na ako agad ng damit niya. Pagkalabas ko ay muntik na akong mapatili nang makitang wala na siyang suot na polo. Napalunok ako habang nakatingin sa katawan niya.
Abs...
Napatalon ako nang bigla siyang tumikhim kaya napaangat agad ako ng tingin sa kan'ya. Inayos ko ang salamin ko. Nakasandal siya sa headboard ng kama niya habang nakapilit. Magulo ang buhok niya at kagat-kagat niya ang ibabang labi niya. Gumagalaw naman ang adams apple niya.
Galing sa pwesto ko ay kitang-kita ko ang tangos ng ilong niya at ang mahaba niyang pilik mata. Moreno si Mason, tulad ni Shan. Mestizo naman si Haed. Si Mason ang mas matangkad sa kanilang tatlo. May kalakihan ang katawan ni Haed at Mason kumpara kay Shan.
Mason has this fierce and cold expression with a deep black eyes. And has this kissable pinkish lips, tulad ng dalawa. Marami silang pagkaparehong tatlo.
Pareho ring mga playboy.
"Are you going to stand there and stared at me?"
Para akong natauhan nang magsalita si Mason. Nilingon niya ako kaya mabilis akong napaiwas ng tingin. Uminit ang pisngi ko sa hiya dahil hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa kan'ya!
Hindi na ako nagsalita at lumapit na sa kan'ya para iabot ang damit niya. Bumuntong hininga naman siyang tinanggap 'yon at nagsimula nang magbihis. Hindi ko alam ang gagawin ko kung aalis ba ako sa kwarto niya o ano. Kaya ang ginawa ko ay mabilis akong tumalikod sa gawi niya, kinabahan.
"Tss."
Inayos ko ang salamin ko at hinintay siyang matapos magbihis. Hindi talaga ako kumportable! Hindi ko alam ang gagawin ko knowing na may lalaking nagbibihis sa likod ko!
YOU ARE READING
To Win My Heart (Salvatore Series #1)
RomanceSALVATORE SERIES #1- COMPLETED Amaria Celestine Smith was just a simple student in their school and has only one bestfriend. When Haedeus Jhammer Salvatore came, he made her life chaotic. But something happened that she had never expect to happen. T...