Chapter 20
"Hindi mo ako pinakilala sa ibang pinsan mo, ah? Sa tuwing nagvi-video call tayo ay lagi kang nasa kwarto."
Ngumuso ako habang nakatingin kay Haed sa screen. Ang sabi niya kasi sa akin ay ipapakilala niya ako sa ibang relatives niya doon pero hanggang ngayon ay hindi niya magawa at hindi ko alam kung bakit.
He stilled because of that. I even saw his adams apple moved. Mukhang nag-isip naman siya saglit sa sinabi ko.
"Uh... they're busy. Maybe, later?" he gave me a smile.
No'ng isang araw ay namasyal kami ni Sam. I asked her if she and Mason are in a relationship but she said no. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako dahil kapag sinasagot niya ako ay hindi siya makatingin sa akin pero binalewala ko nalang 'yon.
"Okay. Ikaw bahala." I shrugged.
Magsasalita na sana siya nang may kumatok sa pinto ng kuwarto niya at makikita 'yon sa gilid niya. Nilingon niya ito at bumukas bigla ang pinto. Natigilan ako at napatigil sa paghinga nang makitang si Shiela 'yon.
She's... with them?
Bakit hindi sinabi ni Haed sa akin?!
"Haed, they call-"
"Shit!" Haed cursed and ended the call.
Napatitig ako sa screen at napatulala. Anong ibig sabihin no'n? At bakit parang... parang natataranta siya? And why did he ended the call?
Nanikip bigla ang dibdib ko. Buong gabi akong tulala sa kakaisip. Haed called me many times but I did not answer it. Nawalan ako ng gana. Bakit hindi niya sinabi sa akin na kasama pala nila si Shiela? Is that the reason why he can't introduce me to his relatives because Shiela is also there? Ayaw niya bang malaman ko na kasama nila si Shiela?
Why?
Tumawag ulit si Haed at kahit gusto ko mang sagutin para magtanong ay hindi ko ginawa. Para kasing... hindi ko kaya. He did not lie but he did not told me about it either.
Nakatulugan ko ang pag-iisip tungkol roon. Kinabukasan ay tinulungan ko si Mama na magluto ng pagkain. It's December twenty four. Some of our relatives will join us. Kung noon ay excited ako tuwing pasko dahil makakasama ko ang mga pinsan ko pero ngayon ay hindi ako makaramdam ng excitement dahil kay... Haed.
Inabala ko ang sarili ko sa pagtulong kay Mama na mag-prepare ng ihahanda namin para hindi na ako mag-iisip ng kung ano-ano dahil kagabi.
"Oh saan ka pupunta? Tulungan mo muna kami rito at mamaya ka na umalis."
Napalingon ako ng sinabi ni Mama 'yon. Nagkatinginan kami ng kapatid ko pero agad akong umiwas ng tingin sa kan'ya. Nakapam-bahay lang naman siya pero balak niya pa rin atang umalis at hindi ko alam kung saan.
Simula no'ng nagkasagutan kami ay hindi na kami nag-uusap pa. Pero balak ko siyang kausapin mamaya at... humingi ng tawad sa asal ko. Lalambingin ko nalang ang kapatid ko mamaya tutal magpapasko rin naman. Ang bigat kasi sa loob kapag hindi kami okay.
"Punta lang ako kina Zairen. Babalik agad." malamig niyang ani.
Hinayaan nalang siya ni Mama. Si Papa naman ay tumulong na rin sa amin. Marami rami kasi ang lulutuin. Ako ay gumagawa ng mango float. May ibang desserts na rin sa loob ng refrigerator namin.
"Anak, tawagan mo si Haed mamaya at babatiin natin siya ng maligayang pasko!" excited na sabi ni Mama.
Natigilan ako sa sinabi niya. Wala akong balak na tawagan si Haed ngayon pero dahil si Mama ang nag-request ay wala akong magawa kundi ang tanguan si Mama. Tatawagan ko siya mamaya pero hindi ko siya kakausapin at hayaan nalang si Mama ang kumausap sa kan'ya.
YOU ARE READING
To Win My Heart (Salvatore Series #1)
RomanceSALVATORE SERIES #1- COMPLETED Amaria Celestine Smith was just a simple student in their school and has only one bestfriend. When Haedeus Jhammer Salvatore came, he made her life chaotic. But something happened that she had never expect to happen. T...